"Akala ko ba nandito tayo para magsaya. Bakit sambakol iyang mukha mo?" palatak ni Fei sa'kin. Napangalumbaba ako sa mesa na aming kinaroroonan. "I don't know what to do, Fei. I'm in a conscious state. Argh!" napasabunot ako sa sariling buhok. "Ano bang ibig mo mong sabihin? Hindi kita ma-gets," salubong ang kilay na palatak ni Fei sa'kin. "Naiinis ako kay, Mr. Acosta," sa wakas ay naisatinig ko. "Oh, really? Bakit hindi halata sa mukha mo? Iba ang sinasabi ng anyo mo. Problemado ang nakikita ko, hindi pagka-inis, gaga!" "Kung makapagsalita ka ng gaga, wagas? Wow naman, ikaw na talaga ang masasabi kong tunay na kaibigan," nakasimangot kong tugon dito. "Ako nga din may problema, naalala mo ba si Achilles?" Kunot-noo na napasulyap ako dito. "Yeah, 'yan ba ang lalaking napagkamalan kang asawa niya?" "Yes, and I don't even know what to do. Pati iyong bata uhaw sa kalinga ng ina. For pete's sake, hindi rin kaya ng konsensya ko na basta na lamang balewalain ang bata." "Iyan
Terakhir Diperbarui : 2025-05-18 Baca selengkapnya