Share

Chapter 95

Penulis: Bookie
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-29 14:19:26
Mabilis lumipas ang mga minuto. Ang simpleng tatlong ice cream cones ay naging tulay para sa mas matamis na sandali na ngayon lang nila naranasan.

Si Sky, habang kumakain, ay walang tigil sa pagkukwento tungkol sa mga assignments nila at kung paano niya lagi si Snow at Callum ang partner.

Si Snow naman ay proud na proud na ikinuwento kay Liam kung paano siya laging pinipili ng teacher nila para mag-lead ng prayers.

Habang si Callum, bagama’t tahimik, ay ilang beses nahuling nakatitig lang kay Liam—parang iniipon sa isip ang bawat detalye ng mukha ng kanilang ama, para hindi na muling makalimutan.

Para bang ang bawat segundo, kahit simpleng kwentuhan lang, ay may bigat at saysay.

Ngunit, gaya ng lahat ng masayang sandali, dumating din ang hudyat ng pagtatapos. Tumunog na ang bell, hudyat na kailangang bumalik ang mga bata sa klase.

Biglang bumagal ang mundo para kay Liam. Ang tatlong munting katawan na kanina lang ay nakadikit sa kanya, ngayon ay dahan-dahan nang bumibitaw.

Bookie

Hello mga bes! May 3 chapters update tayo today! Sana magustuhan ninyo ang mga bagong eksena. 🥰 Salamat sa patuloy na pagsubaybay, at happy reading!

| 19
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (4)
goodnovel comment avatar
nina_g
may update po ba ngayon miss a?
goodnovel comment avatar
Hiddenmaiden1996
ang tagal nag update
goodnovel comment avatar
Jeosh Borillo
sana tanungin ng triplets kung sino si bianca Cruz sa Buhay ng dadi nila...hehe...tatalino ng mga bata
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 115

    Halos sabay na tumayo sina Liam at Luca, parehong nanlilisik ang mga mata, handa nang magpatutsadahan pa ulit. Ramdam ni Alyssa ang papalapit na banggaan—alam niyang kapag hindi nahinto, siguradong sasabog ang tensyon sa harap mismo ng mga bata. Pero bago pa umabot sa puntong iyon, biglang bumukas ang pintuan ng playroom. “Mga iho, mga iha…” mahina ngunit buo ang tinig na narinig nila. Napalingon ang lahat. Isang matandang babae, maayos ang pagkakatirintas ng buhok at nakasuot ng simpleng uniporme ng kasambahay, ang marahang lumapit. Kahit may mga guhit na ng edad ang kanyang mukha, kita pa rin ang dignidad at lambing sa mga mata nito. Nagkatinginan ang triplets, halatang nagtataka. “Sino po siya, Mommy?” bulong ng isa, habang mahigpit na kumapit sa kamay ni Alyssa. Ngumiti ang matanda at tumingin sa mga bata. “Ako si Cely. Matagal na akong naninilbihan dito sa Navarro Mansion. Ipinapatawag kayo ni Doña Margarita. Naihanda na ang tanghalian para sa inyong lahat.” Pero ang mas n

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 114

    Sa loob ng playroom, halos maingay na sa dami ng tawanan at sigawan ng triplets habang tuluy-tuloy silang naglalaro. Si Sky, hawak-hawak ang laruang kotse at panay ang pagtakbo, si Snow nakadapa sa sahig habang abala sa pagsasama-sama ng building blocks, at si Callum naman halos matumba sa kakatawa habang tinuturuan ni Liam kung paano magtayo ng mas matibay na kuta.“Hindi ganyan, anak. Dapat may foundation,” paliwanag ni Liam habang maingat na inaayos ang mga blocks.“Foundation?” bulalas ni Callum, nakakunot ang noo.“Oo,” ngumiti si Liam. “Parang sa bahay—kapag malakas ang pundasyon, hindi madaling masira. Gano’n din sa ginagawa nating tower.”“Ahhh,” sagot ni Callum sabay tango, pero agad din itong nagngiti ng malapad. “Daddy, ikaw na lang foundation namin!”Natawa si Liam at bigla itong niyakap ng tatlong bata na parang sabay-sabay na gustong dumikit sa kanya.“Yay! May foundation na tayo!” sigaw ni Sky habang nakadikit sa braso ni Liam.Sa gilid ng silid, nakaupo lang si Alyssa,

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 113

    Tahimik ang hakbang ni Alyssa habang paakyat sa hagdan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nanginginig ang mga daliri niya. Sa bawat hakbang, mas lalong bumibigat ang dibdib niya.Pagdating sa ikalawang palapag, saglit siyang tumigil. Ang pintuan ng kanilang dating kwarto… nakasara pa rin. Walang ipinagbago.“Kung gusto mong makita, nandiyan pa rin,” mahinahong sabi ni Liam mula sa likod niya.Humigpit ang hawak ni Alyssa sa railing, bago dahan-dahang iniabot ang kamay at pinihit ang seradura. Bumungad sa kanya ang amoy ng lumang kahoy na matagal nang sarado. Sa loob, halos walang nagbago.Ang mga libro niya ay maayos pa ring nakalagay sa istante. Ang mga sketch pad na halos puno ng mga guhit at pangarap na iniwan niya noon, nandoon pa rin. Sa gilid, nakasabit pa ang lumang cardigan na madalas niyang isuot kapag malamig ang gabi.Napasinghap si Alyssa, napakapit sa dibdib. Bakit ganito? Akala niya handa na siyang harapin ang nakaraan, pero nang makita niya mismo ang lahat, para

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 112

    Maagang gumising sina Sky, Snow, at Callum. Halos hindi na nakatulog sa sobrang excitement. Sabay-sabay silang nag-ayos ng gamit at nagtanong pa kung kailangan bang magsuot ng pormal.“Hindi na,” sagot ni Alyssa habang inaayos ang buhok ni Snow. “Magpakatotoo lang kayo. Basta huwag ninyong kalimutan ang rules ko.”“Anong rules ulit, Mommy?” tanong ni Callum.“Makikinig kayo sa akin sa lahat ng oras. Kapag sinabi kong tapos na, uuwi tayo. At higit sa lahat—magiging magalang kayo.”Sabay-sabay silang tumango. “Yes, Mommy.”Eksakto sa oras dumating si Liam. Nakasuot siya ng dark slacks at polo, neat pero hindi sobrang pormal. Halatang pinipigilan ang kaba habang papalapit. Pagkakita ng triplets, sabay-sabay silang tumakbo.“Daddy! Ready na kami!” sigaw ni Sky, sabay abot ng maliit na backpack niya.Bahagyang ngumiti si Liam at tinanggap ang bag. “Good. Pero bago tayo umalis…” lumingon siya kay Alyssa, seryoso ang tono. “Salamat, Alyssa, sa tiwala. Hindi ko ito sasayangin.”Tahimik lang s

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 111

    Lunes ng umaga. Maaga pa lang ay gising na si Alyssa, tinutulungan sina Sky, Snow, at Callum na maghanda para sa pasukan. Maayos ang uniform ng tatlo, nakalagay na rin sa bag ang kanilang mga baon. Kahit abala, ramdam ni Alyssa ang kakaibang saya ng mga anak dahil sa nagdaang weekend.“Mommy, masarap pa rin yung picnic natin kahapon!” bulalas ni Callum habang inaayos ang shoelace.“Yeah, Mommy! Tapos si Daddy ang galing magpalipad ng saranggola!” dagdag ni Sky na agad nakangiti.“Ang saya talaga kapag kumpleto tayo,” huling sambit ni Snow, sabay hawak sa kamay ng mommy niya.Saglit na napahinto si Alyssa. Hindi man niya gustuhin, ramdam niyang may epekto na agad si Liam sa mga anak nila. Pinilit niyang ngumiti, pero may bigat pa rin sa dibdib.Habang nag-aalmusal sila, biglang tumunog ang cellphone ni Alyssa na nasa lamesa. Napakunot siya ng noo nang makita ang pangalan na lumabas sa screen. Liam.Halos mabitawan niya ang tasa ng kape. Paano… paano niya nakuha ang number ko?Saglit si

  • The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets    Chapter 110

    Tahimik na nakaupo sina Liam at Alyssa sa gilid ng picnic blanket. Sa di-kalayuan, abala ang triplets sa paggawa ng mga simpleng origami gamit ang papel na dala ni Liam. Tawa nang tawa ang tatlo habang nag-aagawan kung sino ang mas maganda ang fold, at tila ba walang ibang mundo sa paligid. Pero sa pagitan nina Liam at Alyssa, mabigat ang hanging bumabalot. Si Liam ang unang nagsalita. “Alyssa…” mahina pero buo ang boses niya. “Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang alam ko lang, kailangan kong sabihin sa’yo lahat ng hindi ko nasabi noon.” Hindi tumingin si Alyssa, nakatitig lang sa baso ng juice sa kamay niya. “Kung ngayon mo lang naisip na magsalita, Liam… huli ka na.” malamig niyang sagot. Napapikit si Liam, ramdam ang bigat ng mga salita niya. “Alam kong huli ako. Pero kahit gano’n… gusto kong ipaliwanag. Gusto kong itama kung ano ang mali.” Doon siya tumingin, matalim at puno ng kirot ang mga mata ni Alyssa. “Itama? Kaya mo bang burahin yung gabing iyon, Liam? Yung gabi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status