LOGIN“Buksan mo lang ang puso mo. Walang perpektong tao. Hindi maliit ang ginawa niya, pero puwede mong tingnan kung sincere siyang humihingi ng tawad at handang bumawi.”Tahimik si Zion.Pagkatapos ay inilabas ni Cassandra ang lumang larawan.Nang makita iyon, agad nagbago ang mukha nito.“Nasaan mo nakuha ’yan?”“Binigay sa akin ng mommy mo.”Matagal na tinitigan ni Zion ang baby photo. Marahang hinaplos ng hinlalaki nito ang gilid ng lumang papel.“Hindi ko na maalala ang panahong kasama ko siya.”“Pero bahagi pa rin siya ng buhay mo. At pwede kang bumuo ng bagong alaalang kasama ang mommy mo.”Napapikit si Zion.“Sana ganoon lang kadali. Takot akong maging katulad niya,” amin nito. “Baka isang araw, masaktan ko rin ang mga anak natin. Baka dumating ang panahon na hindi ko kayanin ang pressure at tumakbo ako.”Umikot si Cassandra at lumuhod sa harap nito.Hinawakan niya ang mukha ni Zion.“Hindi ka magiging katulad niya.”“Paano ka nakakasiguro?”“Dahil araw-araw pinipili mong manatili.
Parang sa isang segundo, bumalik ang lahat ng taong lumipas, ang pag-alis, galit, mga tanong na hindi nasagot, at pamilyang naiwan.“Vivian…” paos na tawag ni Chairman Daniel.“Daniel.”Naramdaman ni Cassandra ang kamay ni Zion na humigpit sa balikat niya.Sa paraan ng pagtitig ng magulang nito sa isa’t isa, tila nakabanaag siya ng pag-asa.At ngayong kaharap na ni Vivian ang pamilyang iniwan, hindi maiwasan ang makaramdam ng tensyon.Nanatiling nakatayo si Chairman Daniel sa bungad ng pinto.Kasunod nito ang driver at isang bodyguard, may dalang tatlong kahon ng damit pambaby at ilang paper bag ng pagkain.Walang nagsalita.Dahan-dahang tumayo si Vivian.“Babalik na lang ako sa ibang araw,” mahina nitong sabi.Hindi ito tumingin kay Zion. Dumiretso lang ang tingin nito sa pintuan, tila gusto nang tumakas bago pa tuluyang mabuksan ang sugat na matagal nitong iniiwasan.Pero bago pa ito makalampas, nagsalita si Chairman Daniel.“Kumain ka muna.”Natigilan si Vivian.Maging si Zion ay n
Naging mahaba ang paghihintay sa labas ng delivery room.Hindi mapakali si Brent. Pabalik-balik ito sa hallway, kung minsan ay napapahawak sa ulo, kung minsan naman ay humihinto sa harap ng pinto na para bang gusto nitong pumasok at samahan si Candice sa bawat sakit.“Bro, maupo ka muna,” sabi ni Zion.Umiling si Brent. “Hindi ko kaya. Paano kung may kailangan siya? Paano kung--”“Kasama niya ang mga doktor,” mahinahong paalala ni Zion.Napatingin si Cassandra sa asawa.Tahimik lang si Zion, pero ramdam niya ang tensyon sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Malamig ang mga daliri nito. Paminsan-minsan, bumababa ang tingin nito sa tiyan niya na para bang biglang naaalala nitong hindi isa kundi tatlong beses nilang pagdaraanan ang ganitong takot.Maya-maya, bumukas ang pinto.Isang nurse ang lumabas, nakangiti.“Congratulations. Safe po si Mommy at parehong healthy ang twins.”Parang sabay-sabay na nakahinga ang buong pamilya.“Salamat sa Diyos,” ani Leah.Napahawak si Brent sa dibdib. “P
“I love you so much, Cass.”Hindi agad nakasagot si Cassandra. Hindi dahil wala siyang nararamdaman, kundi dahil napakabigat pa ring ibigay muli ang mga salitang minsang hindi pinahalagahan ni Zion.Nakadantay pa rin ang ulo niya sa dibdib ni Zion, habang ang braso nito ay maingat na nakapulupot sa bewang niya. Naririnig niya ang mabilis na tibok ng puso nito.Hindi pa niya kayang sabihin ang mga salitang hinihintay nito.Kaya sa halip na sumagot, mas mahigpit niya itong niyakap.Sandaling tumigil ang paghinga ni Zion.Pagkatapos ay marahan nitong hinalikan ang buhok niya.Wala itong hinanap na salita. Hindi siya pinilit. Tinanggap nito ang yakap niya na para bang sapat na munang sagot iyon.Kinabukasan, maaga itong nagbihis para sa meeting nila ni Theo tungkol sa investors. Nasa may pintuan na ito nang hindi sinasadyang lumabas sa bibig niya ang salitang matagal niyang pinipigil.“Ingat, mahal.”Pareho silang natigilan.Dahan-dahang lumingon si Zion.“Ano’ng tawag mo sa akin?”Naniga
Nanlaki ang mga mata ni Zion.“Palaka?”“Oo. Ibili mo ako.”“Cass, baka naman magmukhang palaka ang mga anak natin.”Napatitig siya rito. “Hindi totoo ang lihi.”Napahawak si Zion sa noo. “Mas mainam ng maniwala.”“Umorder ka na sa Thai restaurant. Bilis.”“Sige, sige. Pero tatawag muna ako sa doctor kung safe sa buntis.”“Zion!”“Triplets ang dala mo. Research muna.”Akala ni Cassandra nagbibiro lang si Zion.Pero nang makita niyang seryoso itong nakikipag-usap sa doktor sa cellphone, napagtanto niyang hindi ito nagbibiro.Maya-maya ay naghanap na ito ng restaurant.“Is this a Thai restaurant?” tanong ni Zion sa kabilang linya, seryoso ang boses na para bang multimillion contract ang pinag-uusapan. “May frog salad ba kayo?”Napasinghap si Cassandra at napahawak sa bibig para hindi matawa.Bahagyang napakamot sa sentido si Zion. “Buntis ng triplets ang asawa ko. Kapag sinabi niyang palaka, hahanapan ko siya ng palaka.”Napakagat si Cassandra sa labi.Zion Saavedra, ang lalaking dati a
Habang nagtatalo sina Cassandra at Zion tungkol sa leave, panay naman ang reklamo ni Theo habang nililinis ng doktor ang gasgas sa kilay nito.“Doc, mag-iiwan po ba ito ng scar? Kasi baka bumaba ang market value ko.”“Anong market value? Hindi ka naman pogi,” ani Fiona.Napatuwid si Theo. “Miss Fiona. Grabe ka sa akin. Ikaw lang ang nagsabing hindi ako pogi. Ang daming nag-aalok sa akin na mag-artista.”“Thess, tumigil ka sa ilusyon mo!” pang-aasar ni Fiona.“Ganyan nagsimula ang lolo at lola ko,” tukso ni Cassandra. “Asaran muna bago ligawan.”“Eww! Ayoko ng hindi bilyonaryo!” ani Fiona.May dumaang sakit sa mata ni Theo. Ngunit agad itong bumawi.“Ayoko din sa bilyonarya,” anitong tumayo at nauna nang lumabas ng ospital.***Kinagabihan, dumating sila Cassandra at Zion sa bahay,Pagpasok sa kwarto, humarap siya kay Zion.“No more disguises. No more secrets. No decisions about me without me.”Agad itong tumango. “I agree.”“Hindi ka magde-decide para sa akin dahil buntis ako.”“Oo.”
Tahimik si Candice matapos ang huling banat ni Brent. Ilang segundo ring parang huminto ang oras sa pagitan nila, yung katahimikang mas maingay pa sa sigawan.“Warning ka diyan,” sabi ni Candice sa wakas, malamig ang boses pero nanginginig ang panga. “At anong gagawin mo sa akin? Tigilan mo ako. Nag
Tumango si Iris. Ramdam ang suporta ni DarylLumapit ang instructor, inayos ang stance niya, hindi in-depth, hindi technical, puro basic safety cues. Si Iris, nanginginig, pero hindi umatras.“Hey,” bulong ni Daryl, nandun sa tabi niya, kamay niya nakapatong sa likod ni Iris, support lang, hindi con
Nag-angat ng tingin si Iris mula sa loob ng bridal tent. Nagtagpo ang mata nila ng ama.Tahimik ang Dahlia’s Garden habang naglalakad papasok.May bulungan. May mga matang palihim na nagmamasid.At doon sa gawing likod, hindi sa front row, umupo si Don Apollo.Hindi ito umalis.Pero hindi rin lumapi
Kinuyumos ni Daryl ng halik si Iris. Nagmamadaling nag-alis ng damit ang binata. Nagtanggal na din siya ng kauotan. Tila ito naman ang nakainom ng droga sa tindi ng pagnanasang bumalot sa katawan.Gumanti si Iris. Nawala ang anumang alinlangan at inhibisyon. Kay sarap ng halik ni Daryl. Kusa niyang







