"Ayan na, tapos na sir Aljur," sabay yuko ko. Sana lang hindi siya magalit sa paghawak ko sa pisnge niya."Okay, thank you," pasasalamat niya na hindi malamig ang tono ng pananalita niya. Dahilan na ikinatuwa ko. "Oo nga pala, gusto pa kitang makilala. Pwede ko bang malaman ang side mo?" biglang tanong niya. Napa-isip naman ako, kung nag ku-kwento ba ako o hindi. Saan nga ba ako mag-uumpisa nito? "Hmmm, magtanong ka, sasagutin ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako mag-uumpisa ehh," mahinhin na tinig ko. Nakita ko naman na nag-iisip siya."'Yong dad mo? Kumusta naman kayo?" Ikinalungkot ko ang tanong niya. Dahil, wala naman akong nakilalang ama ko. "Ahmm, sa totoo niyan, wala naman akong nakilalang ama ko," mahinang sagot ko. Kahit paano ay nanatili pa rin akong ngumiti."I'm sorry, hindi ko sinasadya," sincere naman ang paghingi niya ng tawad. Kaya, hindi na ako mag-aalinlangan pa na hindi ito tanggapin. "Ayos lang, tanong lang naman ehh. Oum, ikaw? Kumusta naman kayo ng dad mo?" pa
Last Updated : 2025-08-09 Read more