Mainit ang liwanag ng mga camera, hindi lang basta ilaw kundi tila apoy na gustong sunugin ang balat at hukayin ang kaluluwa ng sinumang mauupo sa harap nito. Sa gitna ng mahaba at makintab na mesa ng conference hall, nakaupo sina Leonardo at Ysabel. Sa likod nila, nakapaskil sa dambuhalang LED screen ang malalaking salitang: "Verano Group: Truth and Transparency." Sa paligid, puno ng bulungan at mabibigat na tingin ang hanay ng media, mga investor, at ilang board members na dumalo para personal na masaksihan ang magiging pahayag nila. Sa unang tingin, mukha itong ordinaryong press conference, pero sa likod ng mga lente at microphone, malinaw na may mga taong nag-aabang na mabigo sila. Naka-puting long-sleeved silk blouse si Ysabel, maingat na tinupi ang manggas sa pulso. Ang kanyang high-waist trousers ay maayos ang bagsak, at bawat galaw niya ay may kumpiyansa, kahit ang totoo, ramdam niya ang kabog ng dibdib niya. Katabi niya si Leonardo, nakaitim na suit at dark tie, parang
Última actualización : 2025-08-22 Leer más