Mainit ang ilaw ng mga camera, tila natutunaw ang bawat taong nakaharap dito. Sa isang sulok ng isang high-end café sa Makati, nakaupo si Brandon Cruz, ang lalaking ipinapakilalang dating nobyo ni Ysabel noong siya’y labing-pitong taong gulang pa lamang. Tall, maputi, at may guwapong mukha na halatang sanay sa atensyon, ngunit ngayon ay may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. Ang ngiti niya ay hindi buo, pilit, gaya ng taong naghahalo ang hiya at depensa sa sarili. to Nakasuot siya ng dark blue polo shirt at isang mamahaling relo na bahagya niyang tinatakpan ng manggas, para bang ayaw niyang mahusgahan ng publiko sa pamamagitan ng kanyang kayamanan o estado ngayon. Sa harap niya, nakapuwesto ang isang kilalang TV host at investigative journalist, Mica Soriano. Hawak nito ang ballpen at nakabukas ang recorder, tila handang hukayin ang kahit pinakamalalim na sikreto. Sa paligid, naroon ang mga cameraman, ang producer na nakasenyas mula sa gilid at ilang miron na halatang sabik
Last Updated : 2025-08-25 Read more