Harvey pagkapasok pa lang niya sa apartment ay ramdam na ang init ng loob. Tahimik ang paligid, pero may mahinang amoy ng sabon at lotion sa hangin. Alam niyang bagong ligo si Kristine.Pagpasok niya sa kwarto, tumigil siya sa may pintuan.Si Kristine ay nakatalikod sa kanya, nakaluhod sa gilid ng kama. Tapos na itong maligo at hindi naka-pajama, kundi suot ang isa sa mga itim niyang shirt—yung malaki, malambot, at lumulundo ang tela sa katawan ng babae. Maluwag iyon sa kanya, kaya mas lalong lumilitaw ang mahahaba niyang binti at ang hubog ng katawan niya. Basa pa ang dulo ng mahabang buhok nito, nakalatag sa likod at balikat.Nasa kamay nito ang bote ng lotion. Dahan-dahan niyang pinapahiran ang mga binti at braso, at bawat galaw ay mabagal at maingat, parang sinasadya. Ang bawat hagod ay nagpapakita ng natural na ganda at lambing sa sarili, at hindi napigilan ni Harvey na titigan siya nang matagal.Lumapit siya nang walang ingay, at bago pa makalingon si Kristine, isinara niya ang
Last Updated : 2025-12-26 Read more