Maaga pa lang ay nagising ako dahil sa malamig na simoy ng hangin na pumapasok sa silid. Nang dumilat ako, hindi agad nagsink-in kung nasaan ako. Kakaiba ang ambiance—mas refreshing, mas presko, at mas maaliwalas. Pagtingin ko sa bintana, tumambad sa akin ang mapayapang dagat. Ang mga alon ay tila may ritmo na nakaka-relax. Ang sikat ng araw, malambot pa lang, sumisilip sa ulap. At sa shoreline, may mga taong naglalakad, nag-aayos ng mga puting tela at bulaklak. Doon ko lang naalala, kasal na pala namin ngayon. Pero teka, natulog akong nasa kwarto kagabi. Paano ako napunta rito? Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung excitement ba ang nararamdaman ko o takot. Siguro pareho, o baka mas lamang ang kaba. “Good morning, bride.” Napatalon ako sa gulat nang biglang may boses mula sa pinto. Si Nigel, naka-shades kahit wala namang araw sa loob ng kwarto, at naka-polo shirt na puti, mukhang mas handa pa kaysa sa groom. “Ano’ng… ginagawa mo dito?” tanong ko habang tumatayo
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-28 อ่านเพิ่มเติม