Ngunit nagtiis siya. Ngumiti siya nang mas matamis sa publiko, mas lalong naging sweet kay Wright sa mga events, mas lalong pinanatili ang perpektong imahe nila bilang mag-asawa. Dahil alam niya: siya ang legal. Siya ang may karapatan sa yaman, sa pangalan, sa imperyo. At ang kabit? Maaaring sirain niya anumang oras.Sa ikatlong taon, ang pagtitiis ay naging mas mahirap. Nakita niya ang mga larawan ni Sophia mula sa investigator..maganda sa natural na paraan, ang mga mata na puno ng pag-ibig kapag nakatingin kay Wright. At doon na niya naramdaman ang tunay na insulto: bakit siya? Bakit isang babae na walang koneksyon, walang pera, ang nakakuha ng tunay na lambing ni Wright? Sa mga gala, hawak niya ang braso ni Wright, ngumingiti sa camera, habang sa loob niya ay namamatay sa selos. Sa gabi, mag-isa siya sa malaking kama, iniisip kung nasaan si Wright..alam niyang nasa lihim na bahay, yakap ang kabit niya.Sa ikaapat na taon, ang sakit ay naging routine na. Nagtiis siya para sa negosyo
Read more