JenelynHindi agad natapos ang usapan namin. Sa halip, mas lalo pa itong humaba habang patuloy na sinusubukan ni Nathan na ipagtanggol ang sarili niya at paulit-ulit din siyang tinatapatan ni Lolo Ruel na parang sanay na sanay na sa ganitong eksena.“Lo, parang ako na lang palagi ang mali sa paningin mo,” reklamo ni Nathan, nakasandal na sa sofa habang naka-cross ang arms at halatang nagpipigil ng inis.“Hindi ka naman palaging mali,” sagot ni Lolo Ruel, kalmado pero matalim ang tingin. “Minsan lang… pero madalas.”Hindi ko napigilang mapangiti.Napalingon agad sa akin si Nathan, nanlalaki ang mata. “Natatawa ka pa?”Nagkibit-balikat lang ako, pilit pinipigilan ang ngiti ko. “Wala akong sinabi.”“Pero tumatawa ka,” giit niya.“Hindi bawal tumawa,” sagot ko, sabay sandal sa upuan ko. “Lalo na kung may nakakatawa.”Mas lalo siyang nainis.“Lo, tignan mo naman siya—”“Anong gusto mong gawin ko?” putol ni Lolo Ruel. “Ipagtanggol ka kahit mali ka?”Natigilan si Nathan.“Eh bakit siya ang ki
اقرأ المزيد