Pagpasok nila sa loob ng mansyon, agad napansin ni Gideon ang pamilyar na lalaking nakaupo sa sala, si Drew—ang pinsan niya. May nakapatong na malaking kahon sa mesa sa harap nito.Nagkatinginan sina Drew at Gideon.Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Gideon habang nakatitig siya kay Drew. Samantalang si Drew naman ay agad na tumayo, parang bigla itong naalimpungatan mula sa pag-upo.“Ah—” mabilis na sabi ni Drew habang inaabot niya ang kahon kay Gideon. “Kadarating ko lang, kuya.” Binuhat niya ang kahon at itinapat dito. “Galing ito sa tailor. Nakuha ko na ang suit na ipinagawa mo ulit.”Napatingin si Gideon sa kahon bago niya iyon tinanggap. “Ang bilis naman.”“Pinamadali ko na,” sagot ni Drew. “Para siguradong aabot.”Tahimik na nakikinig si Atticus habang nakatayo siya sa gilid. Hawak pa rin niya ang strap ng maliit niyang bag. Pero nang marinig niya ang salitang suit, bahagyang nalukot ang mukha niya. Parang may kung anong bumalik na alaala sa kaniya–’yong araw na nagtanong siya kun
Read more