Hindi ako dapat nandito. Paulit-ulit ‘yon sa isip ko habang nakatayo ako sa harap ng malaking salamin sa kwarto ni Amalia. Ang suot ko ay isang simpleng champagne-colored dress na hanggang tuhod, may manipis na strap at bahagyang bukas sa likod. Hindi ito mamahalin, pero dahil sa tela at ayos ng pagkaka-plantsa, mukha itong elegante. “Kaylee,” sabi ni Amalia habang inaayos ang hikaw niya. “Ikaw ang sasama sa akin mamaya. Don’t mess this up.” “Opo, Ma’am,” sagot ko agad. Hindi ako sanay sa ganitong suot. Mas sanay ako sa uniform ng katulong—may apron, maayos, simple, ligtas. Ito? Para akong hubad sa dami ng matang pwedeng tumingin. Ang party ngayong gabi ay sa mansion ng Fendi. Jayden Fendi. Hindi ko pa siya personal na nakakausap, pero alam ko na ang pangalan niya. Lahat ng tao sa university alam siya. Lahat ng babae halos alam ang mukha niya. Billionaire heir. Popular. Untouchable. At ako? Isa lang akong working student na nagpapanggap minsan na kabilang sa mundo nila. Pagdat
Read more