Nagising si Saddie nang maramdaman niyang may malamig na tubig na sumaboy sa kanyang mukha at sa buong katawan. Agad siyang napadilat, pero malabo ang paningin niya at tila umiikot ang kisame sa itaas.Nang luminaw nang kaunti ang lahat, tumambad sa kanya ang isang mukhang parang makulimlim na langit na anumang oras ay magpapakawala ng malakas na bagyo."Enrique, ano ba?!" singhal niya habang pinipilit na bumangon, pero pakiramdam niya ay gawa sa tingga ang kanyang mga paa’t kamay."Ano ba, ha? Isang 'ano ba' lang? Pagkatapos mong... pagkatapos mong—""Tigil-tigilan mo ang pagnginig ng baba mo, you fool!" putol niya rito sabay hawak sa kanyang ulo. Kumikirot ito, isang mapurol na sakit na parang may martilyong pumupukpok sa likod ng kanyang mga mata."I thought I made myself clear? Be home before midnight! Pero hindi, bumalik ka rito na mukhang basahan na kinaladkad mula sa kanal!"Tuloy-tuloy ang dada ni Enrique, at maniwala kayo, hindi na alam ni Saddie kung sino ba ang kinakausap n
最終更新日 : 2026-02-24 続きを読む