POV: Evelina Faith Cartier Tahimik ang gabi. Sa labas ng malaking bintana ng aming bahay, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod. Dati, kapag nakikita ko ang ganitong tanawin, pakiramdam ko napakalayo ko sa buhay na gusto kong magkaroon. Ngayon, iba na. Nasa tabi ko si Kondrad. At sa pagitan namin, mahimbing na natutulog ang aming anak. I stared at them both, unable to stop the small smile forming on my lips. “Hindi ko pa rin maisip,” bulong ko. “What's that?” Napalingon ako kay Kondrad. Nakatitig siya sa akin habang nakasandal sa headboard. Relaxed ang mukha niya, pero may kakaibang lambing sa mga mata. “That we're here,” sagot ko. “After everything.” Lumapit siya sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko. “I told you,” he whispered. “I'm not leaving again.” Napayuko ako. Maraming taon kong pinangarap marinig iyon. Pero ngayon, hindi na sapat ang salita. Kailangan kong makita sa bawat kilos niya. At nakita ko naman. Hinila niya ako palapit sa kanya. His arms wrapped
Zuletzt aktualisiert : 2026-11-01 Mehr lesen