LOGINKinilabutan si Elowen nang makita ang replay interview ni River, iyon kasi ang mismong pinapanuod ng kanyang anak. Diretsong nakaturo ang maliliit na daliri ng anak niya sa mismong mukha ng dating asawa!Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong living room. Naramdaman ni Manang Rosa ang tensyon kaya naman mabilis nitong binuhat si Elara at nagpalusot na oras na para matulog, iniiwan sina Elowen at Inigo na tahimik sa sala.Napabuntong-hininga si Inigo. Tiningnan ng lalaki nang seryoso ang pamangkin."Elowen," seryosong tawag nito. "Hindi mo na ba talaga siya bibigyan ng second chance? Kahit isa lang?"Kumunot ang noo ni Elowen. "Tito, ano ba 'yang sinasabi mo? Diba kahapon lang, ikaw ang nagsabing wag kong sirain ang buhay ko para lang sa isang lalaki?"Umiwas ng tingin si Inigo, bahagyang umubo para itago ang kaba. "Eh kasi… Nagkasalubong kami sa baba."Nanigas si Elowen. "Nandiyan pa rin siya?""Oo," malungkot na sagot ni Inigo. "Papasok sana ako sa lobby kanina pero na
Pagpasok ni Elowen sa penthouse niya, agad siyang sinalubong ng isang maliit na bulto."Mommy!"Tumakbo ang maliit na si Elara at mabilis na tumalon papunta sa kanya. Sa sobrang gulat at pagod ni Elowen, muntik na siyang matumba pero mabilis siyang kumapit sa pinto para ibalanse ang sarili niya habang buhat ang anak.Nawala ang kalamigan sa mukha ni Eryn at napalitan ito ng isang matamis at nag-aalalang ngiti."Jusko, Elara! Mag-iingat ka naman anak," mahinang saway ni Elowen at marahang tinapik ang puwetan ng bata. "Paano kung nahulog tayong dalawa? Delikado 'yon!"Humagikgik lang si Elara at isinubsob ang mukha sa leeg ng ina. "Kasi po hindi umuwi si Mommy the whole day eh. I missed you so much, Mommy!"Bumilis ang tibok ng puso ni Elowen. Ang bigat at sakit na naramdaman niya kanina sa labas ay biglang gumaan nang marinig niya ang boses ng anak. Ibinabaon niya ang mukha niya sa balikat ng bata habang nilalanghap ang amoy pulbos at gatas nito."I missed you too, baby,” malambing na
"Hindi ko akalaing ang isang sikat na business tycoon na tulad mo, Candy Crush pa rin ang nilalaro," isang pamilyar at malambing na boses ang bumasag sa katahimikan ng silid.Napaangat ng tingin si Elowen at nakita niya si Raynold. Nakangiti ito, suot ang isang tailored suit na nagpapatingkad sa maaliwalas nitong mukha. Prenteng umupo ito sa tapat niya.Napangisi si Elowen at pinatay ang screen ng phone niya. "Pampalipas lang ng oras. Bakit? Masama bang mag-relax paminsan-minsan?"Alam ni Raynold ang lahat ng galaw niya. Bago pa man ito dumating, alam nitong nag-iimbestiga na si Elowen ng mga posibleng candidate mula sa entertainment industry para maging fake fiance. Hindi na nagpaligoy-ligoy ang lalaki. Ipinatong nito ang siko sa lamesa at pinatong ang baba sa kanyang kamay habang tinitigan siya nang malalim."Nabalitaan kong naghahanap ka raw ng mapapangasawa," kaswal na panimula ni Raynold. "Ano sa tingin mo, pwede ba ako?"Itinaas lang ni Elowen ang kanyang wine glass at uminom n
Simula nang bumalik si Elowen sa Pilipinas, lunod ito sa trabaho. Kahit ang paghahanap ng asawa ay isisingit lang nito sa schedule niya kapag tapos na ang shift sa opisina. Sa totoo lang, may tatlong kandidato na umiikot sa utak ni Elowen.Una, si Raynold. Masyadong obvious ang motibo ng kapatid ni River kaya madali itong manipulahin. Ito rin ang pinaka mabilis at pinaka-convenient dahil nasa iisang circle lang sila.Pangalawa, ang bagong assistant nitong si Raymond. Pero masyado itong bata at inosente. Baka ma-in love lang ito sa kanya habang nagpapanggap sila at ayaw ni Elowen na makasira ng kinabukasan ng binata.Pangatlo, si Logan. Ang lalaking umalalay sa kanya sa abroad. Pero ang lalaki rin ang pinaka-ayaw guluhin ni Elowen. Alam niyang may gusto ito sa kanya at nakokonsensya siya dahil kailanman, wala siyang naramdamang pag-ibig para rito. Kung gagamitin niya ito para lang sa kontrata, napaka-iresponsable niya.Sa huli, iisang pangalan lang ang pwede, walang iba kung ‘di si Ray
"Wow. Kailan pa natutong gumamit ng salitang konsensya ang isang dakila na si Hans? Hindi ka ba natatakot na makagat mo ang sarili mong dila sa mga pinagsasasabi mo?"Habang nagtatalo sila, tahimik na dumidila ng lollipop ang bata habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawa. Alam ng bata na tatay niya ang lalaking ito. Pero alam din ng bata na ang lalaking ito ang dahilan kung bakit ayaw siyang ipanganak noon. Kaya sa tuwing nakikita nito si Hans, palagi itong may mapanghusgang tingin na parang nangongonsensya. Ito ang dahilan kung bakit hindi makatingin nang diretso si Hans sa sarili nitong anak!Napalunok si Hans at umiwas ng tingin sa bata. "Kailan mo balak ipahiram sa akin ang anak ko para makita ng Lolo niya?"Isang sarkastikong ngiti ang ibinigay ni Paloma. "Sa next life.""Paloma!" sigaw ng binata, "Kahit konting awa na lang! Otso-y-kwatro na ang Lolo ko! Gusto lang niyang makita ang apo niya bago siya mamatay! Masama ba 'yon?!"Tumawa ng mapait si Paloma, hindi makapaniwala
Sa isang high-end restaurant sa BGC, masayang kumakain ang mag-best friend na sina Elowen at Paloma kasama ang kani-kanilang mga anak."Totoo ba talaga?! Pumirma ka ng kontrata kay River?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Paloma. "Girl, diba kahapon lang nagtatago ka at umiiwas sa kanya? Tapos ngayon... business partners na kayo?!"Naintindihan ni Elowen ang gulat ng kaibigan. Ngumiti siya habang dahan-dahang pinupunasan ang gilid ng labi ng anak niyang si Elara. "Bakit? Tatanggi pa ba ako sa grasya? Pera 'yon, Paloma."Tumango-tango si Paloma at pinunasan din ang bibig ng anak niyang lalaki. "Sabagay. Bata pa lang tayo, halimaw ka na pagdating sa negosyo. Palaging nakadikit sa'yo ang pera."Sa isip ni Elowen, “Bakit parang tunog mukhang pera ako do'n?”Nang mapansin ni Paloma ang nakataas na kilay ng kaibigan, natawa ito at mabilis na binago ang statement. "A-Ay, I mean... magaling kang magpa-ikot ng puhunan!"Ibinaba ni Elowen ang kanyang paningin at uminom ng juice.Pagkatapos k
Nasa iisang ospital lang sila ni Beatrice. Matapos mag-alinlangan, natagpuan na lang ni Elowen ang kaniyang mga paa na naglalakad papunta sa VIP Ward.Bago mangyari ang aksidente, sobrang malapit sila ni Beatrice. Hindi man kasing-lalim ng pagkakaibigan nila ni Paloma pero madalas silang kumain sa
Pagkatapos ng isang gabi sa condo ni Paloma, nakaramdam ng kaunting ginhawa si Elowen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, nakatulog siya nang mahimbing, malayo sa malamig na presensya ng kaniyang asawa at sa impyernong tinatawag niyang bahay.Ngunit kinabukasan, maaga siyang bumango
Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At
Bago pa maka-angal ang mga lalaki, kinaladkad na ni Paloma si Elowen palabas ng VIP room.Pagsapit nila sa ladies' room, agad na binitawan ni Paloma si Elowen. Namumula ang mukha ng dalaga sa sobrang galit at nanginginig ang mga kamay habang nilalabas ang cellphone."Tanginang mga lalaki 'yan!" nan







