Ang gabi ay tila walang katapusan para kay Chrisha, ngunit sa kabila ng pagod mula sa mga nagdaang gabi, maaga pa rin siyang nagising upang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang personal chef ng mansyon. Pagkababa niya sa malawak na kusina, sinalubong siya ng malamig na aircon at ng pamilyar na amoy ng mga sangkap. Sinimulan niya ang pag-aayos ng mga gagamitin para sa tanghalian at meryenda ni Wesley. Subalit, habang hawak niya ang kutsilyo at naghihiwa ng mga sariwang gulay sa ibabaw ng malawak na marmol na counter, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Ang kaniyang isip ay lumilipad na naman sa bawat haplos, bawat halik, at sa hindi matapos-tapos na pagnanasa na unt-unting bumubura sa kaniyang katinuan."Chrisha, maiwan ko muna sa iyo itong kusina, ha? May aasikasuhin lang ako sa labas, kukunin ko 'yung mga bagong supply ng karne na idedeliver," paalam ni Aling Martha habang nagmamadaling isuot ang kaniyang manipis na jacket."Sige po, Aling Martha. Ako na po ang bahala rito,
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-06-14 อ่านเพิ่มเติม