"Rafael... lumapit ka rito, anak, dahil nararamdaman kong hindi na magtatagal ang oras ko sa mundong ito," ang mahinang boses ni Lolo Gostavo ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa kanyang silid, ang kanyang mukha ay maputla at ang bawat paghinga niya ay tila isang pakikipaglaban. Lumapit ako agad sa tabi ng kanyang kama, hawak ang kanyang nanginginig na mga kamay, ang bawat segundo sa loob ng silid na ito ay parang isang mabigat na pasanin na unti unting dumudurog sa aking puso."Lolo, huwag niyo pong sabihin iyan, nandito ang pinakamagagaling na doktor para alagaan kayo, gagaling din kayo," ang aking sagot habang pilit kong pinipigilan ang aking mga luha, ayaw kong makita niya akong mahina sa harap niya. Tumingin siya sa akin nang diretso sa aking mga mata, isang tingin na puno ng pagsisisi at pangungulila na hindi ko kailanman nakita sa kanya noong siya pa ang matapang at walang takot na patriarch ng aming pamilya."Hindi na mahalaga ang buhay ko, Rafael, ang tanging nagpapahirap sa
閱讀更多