One Last NightAlessandra's POV You can't keep hiding from your fiancée forever, Drake. Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Parang sirang plaka. Parang kutsilyong paulit-ulit na bumabaon sa dibdib ko. Fiancée. May fiancée siya. At ako? Ano ako? Isang bakasyon? Isang pagkakamali? Isang pansamantalang aliw habang wala ang babaeng tunay niyang mahal? Hindi ko namalayang nakabalik na pala ako sa kwarto ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Nakakainis. Dahil nangako ako sa sarili kong hindi na ako masasaktan nang ganito ulit. Pagkatapos ni Jacob. Pagkatapos ng lahat ng panloloko. Pero heto na naman ako. Nahuhulog sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala. At mas masakit dahil pakiramdam ko... Hindi ko man lang alam kung kailan ako nagsimulang mahalin siya. Tumulo ang isang luha sa pisngi ko. Mabilis ko iyong pinunasan. "No." Mahina kong sabi sa sarili ko. Hindi na ako iiyak dahil sa isang lalaki. Hindi na ulit.
Read more