Stars RebornOrion’s POVHawak ko ang aking gitara, pero ang bigat na nararamdaman ko sa aking mga balikat ay hindi galing sa bigat ng instrumento. Ito ay galing sa responsibilidad na muling buhayin ang apoy ng CELESTIAL na muntik nang mamatay sa gitna ng dagat ng Cavite. Ngayong gabi ang aming music room sa Sanctuary ay tila naging sentro ng mundo. Ang bawat sulok ay puno ng mga kable, amplifiers, at ang pamilyar na amoy ng nag-iinit na gadgets at kape.Sa gitna ng masiglang ensayo, kung saan ang bawat nota ay tila isang pakikipagbuno sa aming pangungulila, biglang itinigil ni Sirius ang pagtugtog. Ang biglang katahimikan ay nabalot ng tensyon. Tumingin siya kay Archer, ang aming tech-genius na nakaupo sa harap ng kanyang multi-monitor setup."Archer, i-on mo ang system. Mag-live tayo. Ngayon din," utos ni Sirius. Walang pakiusap, walang pag-aalinlangan.Nagulat kaming lahat. Maging si Phil, ang aming manager na laging nasa gilid at tahimik na nakabantay, ay napaayos ng tayo mula sa
Last Updated : 2026-08-16 Read more