CATRIONA’S POVIlang linggo na ang lumipas matapos ang pag-uusap namin ni Leo, at unti-unti nang bumabalik ang kapayapaan sa aming tahanan. Hindi man lubos na magaan ang lahat, hindi man tuluyan nang nawala ang bakas ng nakaraan, masaya ako na unti-unti kaming nakakabangon. Madalas kaming pumupunta sa aming maliit na lupain sa bukid—ang lupang ibinigay ni Kenzo sa amin, kung saan malayo kami sa ingay ng siyudad, sa mga usap-usapan, at sa mga taong gustong manira. Doon, malaya si Kael. Doon, nakakalimutan niya pansamantala ang lahat ng takot at pagdududa.Ngunit alam ko na hindi pa tapos ang mga pagsubok. At darating ang araw na susubukin talaga kung gaano katotoo ang pagbabago—hindi sa salita, kundi sa gawa, lalo na sa oras ng matinding panganib.Isang hapon, pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan, nagpasya kaming pumunta roon. Gustong-gusto ni Kael na maglaro sa tabi ng ilog at maghanap ng mga makukulay na bato. Sinamahan kami ni Kenzo—tulad ng nakasanayan, hindi siya namimilit, laging
آخر تحديث : 2026-07-20 اقرأ المزيد