Third Person's POV "Kumain ka naman oh..." Naiiyak na hawak ni Siona ang spoon at mangkok ng soup, pero wala pa rin kibo si Reese. Tulala pa rin, malayo ang tingin, wala pa sa sarili kaya napaiyak na ang kaibigan, naibaba ang mangkok. Naipatong na lang sa mga hita habang panay ang patak ng luha, at nanginginig ang parehong balikat sa pagkahabag. Hindi niya makayang makita ito nang ganito, tila tinakasan ng katinuan, walang may alam kung kailan ito gigising mula sa pananaginip ng mulat. Muka itong tulog pero bukas ang mga mata, walang ibang naririnig, o nakikita para itong nakakulong sa sariling mundo na nililikha ng sariling isip. Even the therapist couldn't continue the session because she's really unresponsive! "Reese..." Nagmakaawa na si Siona na hinawakan ang kamay nito. "Bumalik ka na sa amin, naghihintay kami ni Nicolai sa iyo..." kagat niya ang ibabang labi at napahikbi. "Hindi p'wedeng ganito... hmm? Nangako na si Zeek na tutulungan ka niya na tayo basta magsalita ka l
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-09 อ่านเพิ่มเติม