WINDY POV "Maraming salamat, Ina," sabi sa kanya ng pinakahuling customer niya na hinatiran niya ng order nitong nakasama sa nawalang parcel kamakailan. "Naku, ako nga dapat humingi ng despensa sa inyo, Madam, medyo natagalan talaga ang pagdeliver ng parcel, mabuti nga at nakita pa," ganti niya rito. "Okay lang iyon, alam mo naman ako willing to wait, ano pa at naging suki mo ako, o eto pala ang balanse ko at keep the change na at patip ko sa iyo, bilib kasi ako sa mga single mom na tulad mo!," masayang pahayag pa nito. "Hala nag-abala ka pa Madam, ako nga dapat ang magbigay ng malaking discount sa inyo pero ako pa itong binabayaran n'yo ng sobra," deklara niya pa na iiling- iiling at hindi sana tatanggapin ang perang inabot nito sa kanya. "Huwag mo na akong tanggihan Ina, sige na tanggapin muna ito, sige na, maliit na bagay lang naman iyan," pagpupursige pa nito sa kanya kaya't sa huli ay tinanggap niya na lang at ginantihan ng matamis na ngiti si Madam Ara. "Salamat Mada
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-07 อ่านเพิ่มเติม