WINDY POV "Salamat Ate Natty nag-abala pa kayong ihatid ang mga ito!," anya sa napakaaga niyang panauhin. Hanggang sa labas lamang ng bakuran niya si Ate Natty dahil nagmamadali pa raw itong ihatid ang iba pang mga ukay-ukay. Sumakay lamang ito ng tricycle na pinapasadahan ng mister nito. "Wala iyon, Windy, sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo kapwa online seller!," sagot naman nito. "Wow naman ate, bilib talaga ako sa suporta mo ate, maaasahan talaga kita!," drama niya pa na tila hindi magtatagal ay namumuo na ang pamamasa ng kanyang mga mata. "Ai sus Windy, huwag ka ngang magdrama diyan kay aga- aga pa at baka malasin tayo. Basta consigne pa rin tayo, sige na at marami pa kaming hahatiran, babu!!!," hindi na hinintay pa ni Ate Natty ang sagot niya at sumakay na ito sa traysikel. Punong- puno pa ng malalaking supot ng ukay- ukay ang loob ng traysikel na sinakyan ni Ate Natty. May nakuha kasi itong supplier ng top-grade quality man and woman apparels at isa siya sa
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-17 อ่านเพิ่มเติม