WINDY POV “Ahmn… malayo pa ba!,” angal niya kay Wamoy dahil halos dalawang oras na rin silang bumabyahe sakay ng motor ng binata. Kasi kung siya ang masusunod ay mas gugustuhin niya pang sumabay sa sasakyan kasama ang anak niya at si Aling Goring. Nagpumilit kasi Wamoy na mas mainam na maghiwalay sila ng sasakyan upang lituhin ang humahabol sa kanilang sindikato. Bagay na hindi na siya nakipagtalo pa. Isinuko niya na ang magiging kapalaran nilang mag-ina kay Wamoy sa pagsama niya rito. Iniwan niya ang munting bahay niya pati ang munting negosyo niya. Sa bagay kahit saan pa man siya tumira ay maipagpapatuloy niya pa rin naman ang kanyang online selling basta’t may signal lang siya at makakapagpost ng kanyang mga benta online. Pero naghihinayang siya sa kanyang mga loyal customers na malapit lang sa kanyang tinitirhan. At isa pa malapit na ang pasukan at balak niya pa sanang eenrol ang anak sa day care center. “What?,” malakas na sabi ni Wamoy na halos kasinglakas din ng
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-10-01 อ่านเพิ่มเติม