WINDY POV "My--- Win, why uwi agad tito Moy?," usisa pa ni Thea ng pareho na silang nakahiga sa air bed nilang mag- ina kinagabihan. Maaga nga silang matutulog mag- ina dahil maaga nga siyang luluwas ng bayan upang mamili ng mga orders ng mga customers. Dadaan din siya una sa remittance center upang eclaim ang mga pinadalang bayad ng mga customers. "Theabelle, huwag ng maraming tanong, close eyes na!," banta niya sa anak dahil ayaw niya ng pag- usapan si Wamoy. "One lang my--Win, please answer me!," demanda pan nito. "Okay, sige na para manahimik ka! Hindi naman kailangan nanarito siya palagi, aba'y may trabaho din iyong tao, baby!," anya. "Eh, kailan siya balik?," umandar na naman ang pagkamakulit ng anak niya. "Theabelle, stop it, mapapalo na talaga kita, sige ka!!!," bumangon siya at kinuha ang hanger panakot sa anak kaya naman napabalukot ito sa kumot at nanahimik. Oo gumagamit siya ng pamalo bilang panakot sa anak pero hindi para pangdisiplina. Mas mabisa pa rin a
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-22 อ่านเพิ่มเติม