Se connecterLILY’S P O V~ Hindi ko na alam kung ilang beses kong binalikan sa isip ko ang nangyari kagabi habang nakaupo ako sa desk ko. Kahit anong pilit kong ituon ang pansin ko sa mga dokumentong nasa harapan ko, parang may sariling isip ang utak ko. Isang segundo, binabasa ko ang laman ng file. Sa susunod, bigla kong maaalala ang mukha ni Rex nang sabihin niyang hindi na niya ako kayang ituring na roommate at employee lang. Tapos maaalala ko naman ang halik namin, ang paraan ng pagtingin niya sa akin pagkatapos, at ang tanong niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang sagutin nang diretso. Ano ang gagawin mo? Napahawak ako sa noo ko at napabuntong-hininga. “Focus, Lily.” Muli kong ibinaba ang tingin ko sa papel. Hindi puwedeng ganito ako buong araw. Nasa opisina ako. Trabaho ang pinunta ko rito, hindi para paulit-ulit na isipin ang nangyari sa apartment kagabi. Pero paano ko ba hindi iisipin iyon kung ang taong kasama ko kagabi ay siya ring boss na kailangan kong makita
LILY’S P O V~“Kung sasabihin kong hindi na kita kayang ituring na roommate at employee lang… ano ang gagawin mo?”Biglang nawala ang anumang salitang nasa isip ko.Ilang segundo akong nakatitig sa kanya, pilit hinahanap sa mukha niya kung may halong biro ba ang tanong niya. Pero wala. Seryoso ang mga mata niya, at sa pagkakataong iyon, mas lalo akong kinabahan.“Rex…” iyon lang ang nasabi ko.Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Gusto kong itanong kung kailan pa niya ito nararamdaman, kung bakit ngayon lang niya sinabi, at kung ano ang gusto niyang mangyari pagkatapos ng gabing ito.Pero habang nakatingin siya sa akin, parang hindi ko alam kung alin ang dapat kong unahin.“Hindi mo kailangang sagutin agad.”Napabuntong-hininga ako.“Mas lalo mo akong kinakabahan kapag ganyan ka.”“Ganyan paano?”“Kapag bigla kang naging mahinahon.”Bahagya siyang napangiti, pero agad ding nawala ang ngiti niya.“Hindi ako nagbibiro, Lily.”Muling bumigat ang dibdib ko.Ibinaba ko ang tingin ko sa
LILY’S P O V~ “Sabihin mong ayaw mo,” mahinang sabi niya. Ilang segundo akong nakatitig sa kanya, pero sa totoo lang, pakiramdam ko mas matagal pa roon ang lumipas. Naririnig ko ang sarili kong paghinga, mabagal pero unti-unting bumibigat habang hindi ko mahanap ang salitang hinihintay niyang marinig mula sa akin. Gusto kong sabihin na ayaw ko. Napakasimple lang ng sagot na hinihingi niya, pero bakit parang bawat pagtatangka kong magsalita ay may kung anong humihila pabalik sa lalamunan ko? Nakakainis dahil alam ko naman kung ano ang tama. Dapat ko siyang itulak. Dapat kong sabihin sa kanyang hindi puwedeng mangyari ito dahil boss ko siya at magkasama pa kami sa iisang apartment. Pero nandito pa rin ang kamay ko sa dibdib niya, at sa halip na gamitin iyon para ilayo siya, mas lalo ko lang nararamdaman ang init ng katawan niya sa ilalim ng palad ko. “Lily.” Napapikit ako sandali nang marinig ang mababang boses niya. Para bang lalo lang akong nahihirapan kapag binibigkas niya ang p
LILY’S P O V ~Mahimbing ang tulog niya. Nakayakap pa rin ang isang braso niya sa akin. Mahigpit, pero hindi masakit.Naalala ko ang nangyari kanina nang makita ko na biglang sumakit ang ulo niya. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan, malinaw sa akin na hindi iyon simpleng sakit lang. May nakita siyang bagay na tila nagpabalik ng isang alaala na hindi niya kayang alalahanin nang buo.At nang yakapin ko siya, parang bigla siyang naging ibang tao. Hindi siya ang malamig at seryosong boss na kilala ko sa opisina. Hindi rin siya ang lalaking laging may sagot sa lahat at kayang kontrolin ang bawat sitwasyon.Sa yakap niya, para siyang isang batang pagod na pagod at naghahanap lang ng lugar kung saan maaari siyang makaramdam ng seguridad.Napabuntong-hininga ako.Ano kaya ang nangyari sa kanya noong bata pa siya?Pero habang nakatingin ako sa mukha niya, hindi ko maiwasang makaramdam ng awa. Awa sa isang taong mukhang matagal nang may kinikimkim na sakit pero pinipiling itago iyon sa liko
REX'S P O V~ Makalipas ang dalawang oras. Tahimik ang loob ng sasakyan habang pauwi kami. Nasa likod kami ni Lily, habang nasa harap ang driver. Pagkaayos namin ng upuan, ilang minuto lang ang lumipas bago napansin kong tahimik na si Lily. Napalingon ako sa kanya. Nakasandal na siya sa bintana, bahagyang nakapikit ang mga mata. Mukhang pagod na pagod siya. Hindi nagtagal, dahan-dahang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Natigilan ako. Hindi ko alam kung gagalaw ba ako o mananatili sa kinauupuan ko. Sa huli, pinili kong huwag gumalaw. Ayokong magising siya. Tahimik akong napangiti nang maramdaman kong mas naging komportable siya sa balikat ko. Bahagya kong inayos ang posisyon ng katawan ko para hindi sumakit ang leeg niya. Ang lapit niya. Kita ko ang maayos niyang mukha habang natutulog. Wala ang ekspresyon niyang madalas kong nakikita sa opisina. Wala ring pang-aasar o pagsagot sa akin. Tahimik lang siya. At sa ganitong pagkakataon, lalo kong napapansin
REX’S P O V ~ Pabalik na ako sa opisina nang marinig ko ang boses ni Lily mula sa hallway. Hindi ko naman intensyong makinig. Pero sapat na ang ilang salitang narinig ko para malaman kong ako ang pinag-uusapan niya.Napatingin ako sa direksiyon ng boses niya. Nasa tabi siya ng desk niya, kausap si Rose. Hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sila sa hallway.“Hayaan mo na,” sabi ni Rose. “Baka hindi niya naman sinasadya.”“Hindi ko naman ikinagagalit na nabasag niya,” sagot ni Lily. “Naiinis ako sa pananalita niya kagabi! Sinabi niyang papalitan niya, pero hindi man lang marunong humingi ng sorry!”Napahinto ako nang tuluyan.“Napaka-antipatiko!”Biglang may kumirot sa dibdib ko.Antipatiko.At ako pa ngayon ang antipatiko?Ako na halos maubos ang pasensya ko buong gabi na nag-isip kung paano siya mapapasaya. Ako na unang beses na nagluto kahit wala akong alam sa kusina. Ako na ilang beses muntik masugatan dahil ayokong aminin sa kaniyang hindi ko kayang maghanda ng maayos na pa


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




