CHAPTER 1 — Althea Monteverde, 25, ay isang babaeng natutong huwag basta-basta magtiwala sa pag-ibig. Matapos masaktan ng lalaking akala niya ay makakasama niya habang buhay, nangako siyang hindi na muling magpapakatanga para sa isang relasyon.Para sa kaniya, mas mahalaga ang trabaho, pera, at kinabukasan kaysa sa mga matatamis na salitang madaling bawiin.Hindi siya mayaman, hindi rin siya nanggaling sa isang pamilyang may malaking pangalan. Lumaki siyang pinaghirapan ang bawat bagay na mayroon siya. Kaya naman nang makakuha siya ng trabaho sa isang malaking kumpanya sa Maynila, ginawa niya ang lahat upang mapanatili iyon.Isang umaga, maagang dumating si Althea sa opisina. Hawak ang kaniyang kape habang nagmamadaling pumasok sa elevator.Pagkapindot niya sa ika-labinglimang palapag, may biglang sumingit bago tuluyang magsara ang pinto."Hold the elevator, please."Napalingon siya.Isang matangkad na lalaki ang pumasok. Nakasuot ito ng itim na polo, mamahaling relo, at may mukhang
최신 업데이트 : 2026-10-30 더 보기