Pretty You

Pretty You

By:  Iya Perez   Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 Mga Ratings
79Mga Kabanata
16.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?

view more
Pretty You Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
user avatar
Rosalie Quetua Segovia
ang ganda ng story, Kailan po yung " Still the prettiest" Yung life after marriage nila?waiting here po......️...️
2023-10-19 14:03:21
0
default avatar
juliama47826586
Isa rin ito sa the best story ni Miss otor
2022-06-04 23:23:55
1
user avatar
Angelo Dela Cruz
nice story
2022-05-28 11:50:14
0
79 Kabanata
Chapter 1
  “Anak pakigising mo na nga yung kambal at tanghali na. Male-late na ang mga iyon sa eskuwelahan.” bungad sa akin ni Mama na kalalabas lang ng kanilang kuwarto. Nakasunod sa kaniyang likuran si Papa na napipikit-pikit pa at panay ang hikab. Umangat ang sulok ng labi ko sabay turo sa ginagawa ko. Nagluluto kasi ako ng itlog at tocino para agahan namin. Ako ang nagluluto tuwing umaga dahil ako naman ang pinakamaagang nagigising sa pamilyang ito. “Ikaw nalang ‘Ma, kita mo namang nagluluto ako eh.” reklamo ko sa kaniya. Pero imbes na pakinggan ang sinasabi ko ay agad niyang kinuha sa kamay ko ang siyansi at tinulak ako papalabas ng kusina. “Kita mo namang ikaw lang ang pinakikinggan ng kambal na iyon. Sige na, gisingin mo na. Paniguradong babangon ang mga iyon kapag ikaw ang gumising sa kanila.” Napabuntong-hininga ako saka bumaling kay Papa para humingi ng tulong. Pero isang marahang tango lang ang ibinigay niya sa akin bago ito naglakad ma
Magbasa pa
Chapter 2
  “Hi, I’m Levi Estrada.” pakilala nito sa akin. Umayos naman ako sa pagtayo at alanganing bumati rito. Umiwas naman ako agad ng tingin dito. Nang gawin ko iyon ay narinig ko ang mahinang pagtawa nito. “You looked so cute. I didn’t know that we have a janitress like you. Bukod sa maganda, mukhang masipag pa.” I tried my best not to roll my eyeballs at him. Muntik ko na pa naman siyang maging crush, tapos malalaman kong ganito siya makipag-usap sa taong bagong kilala niya lang. Halatang playboy kaya ekis agad. “Responsibilidad naman po naming maging masipag, Sir. Trabaho po namin ang maglinis.” sagot ko sa kaniya. Akmang magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Pagkababa ng mga empleyado na sakay nito ay agad akong pumasok at pinindot ang sixth floor. “Oh, sixth floor ka rin?” Tumango naman ako. Pumuwesto ako sa pinakalikuran ng elevator dahil alam kong may mga hahabol na empleyado sa pag
Magbasa pa
Chapter 3
03 “Oh, bakit nakasimangot ang pinakamagandang part-time barista ng Starbucks?” bungad sa amin ng isa sa mga kasama naming barista na si Dennis. Ang kaibahan naming sa kaniya, full-time barista siya. Kaya magmula umaga hanggang gabi ay narito siya. Hindi ko siya pinansin nang dumaan ako sa kaniyang harapan. Pumunta agad ako sa staff room para makapagpalit ng damit. Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang shift namin. Narinig ko ang pagsunod sa akin ni Felize. Nagbihis din ito agad. Paglabas namin ay muling lumapit sa akin si Dennis at nameywang sa harapan ko. “Ano ngang nangyari?” I just rolled my eyeballs at him. Muli ay hindi ko siya pinansin. Wala talaga akong gana makipag-usap ngayon. Nakita kong lumapit sa kaniya at Felize. “Huwag mong kausapin niyan kung ayaw mong masama sa mga kapeng gigilingin niya ngayong araw.” mahinang sambit ni Felize sa kaniya. May mga pinag-usapan pa silang dalawa pero hindi na ako
Magbasa pa
Chapter 4
 Hindi lang ako ang nagulat sa nagawa ko, pati na rin mismo ang lalaking nasuntok ko na nagngangalang Leander. Mas lalo akong nagulat nang ma-realize na ito ring yung taong nakita ko kaninang umaga at taong pinatid ko kanina.  Huh! In all fairness, maganda ang pangalan niya at mukha rin siyang mayaman dahil na-afford niyang pumunta rito sa bar at uminom ng mamahaling alak. Pero kahit na. Maganda nga ang pangalan niya at mayaman siya pero yung ugali niya naman ay walang kasing pangit. Hindi bale nalang. Bahagya akong napaatras nang makitang humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako takot sa kaniya sa kung anong puwede niyang gawin sa akin. Pero dumudugo ang kaniyang labi at takot ako sa dugo. Bata palang ako ay may hemophobia na ako. Kaya naman ay pasimple kong iniwas ang aking paningin sa kaniya. Through my peripheral, nakita kong marahan niyang pinahid iyon gamit ang kaniyang hinlalaki at masamang tumingin sa akin.“You!”Tum
Magbasa pa
Chapter 5
  Pagkatapos ng trabaho ko sa bar ay agad akong nagpaalam para umuwi. Mas matagal ako ngayon sa trabaho dahil maraming costumer sa bar. Mag-aalas onse na nang makalabas ako roon.“Ingat, Miss Leah.” saad ng isa sa mga bouncer na naroon pa rin.“Salamat po. Kayo rin, ingat mamaya sa pag-uwi.” sabi ko sabay sumaludo pa sa kanilang dalawa.Nang makalayo ako sa entrance ay saka lang ako bumuntong-hininga. Ramdam na ng katawan ko ang pagkaantok. Sa ilang araw na pagtatrabaho ko rito, ngayon ko lang naranasan na magtagal doon. Understandable naman dahil maraming costumers. Sabi ni Sarah, warm up palang raw iyon. Asahan ko na raw na mas marami pang mga costumer sa mga susunod na araw. Nang makaramdam ako ng antok ay umupo muna ako sa tabing daan sandali.Ilang minuto palang ako naroon at muntik na akong mapatalon nang may sasakyan na biglang bumusina sa harapan ko. What the hell?Mula sa sasakyan na iyon a
Magbasa pa
Chapter 6
 “Hello, Miss waitress. What a pleasant morning to see you here!” huminto si Leander sa pagsasalita at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. He smirked as he directly looked into my eyes.Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Felize kaya bumaling ako sa kaniya sandali.“Iyan diba yung pogi na bumusina sa atin kahapon? Omg, bakit kaya siya nandito?”I scoffed when I heard Felize’s tone of voice changes. Felize isn’t like this normally. This is not my friend. Kaya ang ginawa ko ay pinalo ko siya nang malakas sa braso para magising siya sa katotohanan na hindi naman guwapo ang lalaking ito. Antipatiko! Iyon  ang mas tamang term na gamitin. At higit sa lahat, mayabang at peste sa buhay.Humarap ako kay Leander na nakadungaw sa bintana at nginitian nang ubod nang peke.“It’s nice to see you too. You’re working here?” tanong niya sabay turo sa building ng kompanyang pinapasu
Magbasa pa
Chapter 7
 “Ang ganda mo sana ano? Kung hindi ka lang maldita at palaban. Alam mo pakiramdam ko talaga kahit sino kaya mong patumbahin sa isang suntok lang.”Mabilis akong napahinto sa paglalakad patungo sa locker nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Agad na naningkit ang aking mga mata nang makita si Leander na nakaupo sa maliit na couch ng staff room.“Anong ginagawa mo rito? Staff room ‘to. Bawal ka rito.” matapang na sambit ko sa kaniya.Tumaas ang kilay niya at nginisihan ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko naman kayang itanggi sa sarili ko na hindi ako kinakabahan. Lalo na kami lang dalawa rito ngayon. Baka kung ano pa ang gawin nito sa akin.“Baka nakakalimutan mo, ako ang may-ari ng kompanyang ito. Kaya kahit saang parte ng buong lugar na ito ay puwede kong puntahan.”Tsk. Ang yabang! Ang pangit naman ng accent niya kapag nagtatagalog. Nagtutunog conyo hindi naman taga-
Magbasa pa
Chapter 8
 Napatanga nalang ako sa harapan niya nang marinig ko ang kaniyang sinabi.“Sana okay ka lang.” naiiling na sagot ko naman sa kaniya. Tumalikod na ako saka ginawa ang kapeng order niya pagkatapos ay maingat na inilapag ko ito sa kaniyang harapan. Kahit sa totoo ay gusto ko na itong isaboy sa kaniyang pagmumukha.“Sir Leander! Omg! Sir Leander, napadaan ho kayo.”I automatically rolled my eyeballs when I heard Felize’s voice. Heto na naman si Felize na kaibigan ko raw pero sa tuwing nakikita si Leander ay walang ibang ginawa kundi purihin ito. Alam na nga niyang naiinis ako sa lalaking ito pero ganiyan pa rin ang trato niya. Nilabag niya ang friendship rule number 6 namin.“Ang kinaiinisan ko ay dapat kinaiinisan mo rin.” Lumapit sa akin si Felize at pasimple ako nitong siniko sa tagiliran.“Magpakabait ka, kung ayaw mong masisante ka dahil sa kagaspangan ng ugali mo.
Magbasa pa
Chapter 9
 Pinunasan ko ang luha na tumulo sa aking pisngi at naghilamos ako bago ako lumabas ng banyo. Saktong paglabas ko ay nakita ko si Leander na nakasandal sa pader ng banyo sa labas. Huminto ako sandali at bumaling sa kaniya. I bit my lower lip because I’m still hesitating if I’m going to thank him or not. Aaminin ko, kung hindi siya dumating baka nabastos na ako nang tuluyan kanina. Pero hindi ko alam kung bakit simpleng thank you lang hindi ko pa masabi sa kaniya.“Okay ka na?” tanong niya sa akin.Yumuko naman ako sandali at muling nag-angat nang tiningin bago tumango sa kaniya.“Did you cry?”  he asked. Ang kaniyang atensiyon ay nakabaling sa aking mga mata.Umiling naman ako.“No. Hindi. Naghilamos lang ako.” sagot ko naman saka umiwas nang tingin.Tumango naman siya at saka tumalikod na. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero bahagya akong nagulat nang makitang naghanap l
Magbasa pa
Chapter 10
 “I’m glad you’re safe.” aniya saka marahan akong binitawan.Nang bumaling ako sa lalaking humablot ng phone ko ay nakita ko itong nakadapa na sa sahig habang pinoposasan ng mga guwardiya ng Mall. “Ano ba naman ‘yan. Nakakatakot, kahit sa loob ng mall mayroong snatcher.” dinig kong sabi ng isa sa mga costumer ng mall. Ang ilan naman ay ilag na ilag na mapadaan sa kinaroroonan ng lalaki dahil sa takot dito.Nasapo ko ang aking noo ng aking palad at napapikit nang mariin dahil nakaramdam ako ng hilo. Hinawakan naman ni Leander ang braso ko para maalalayan ako.“Are you okay?”Kahit na hindi ako okay ay nagawa ko pa ring tumango sa kaniya.“You’re lying.”Nag-angat ako nang tingin at tumitig sa kaniya. Bakit nga ba siya nandito? Paano niya ako nakita? At isa pa, bakit niya ako niligtas? Nagkataon lang ba ang lahat?“Ate!”
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status