Innomexx
Everyone believed Miguel and Allyana died in a tragic accident.
But they didn't.
Nagising silang pareho sa isang villa sa Italy. Parehong walang maalala kahit isang piraso ng kanilang nakaraan.
Ang tanging sinabi sa kanila ay magpinsan sila.
Forced to live under one roof habang sinusubukan nilang buuin ang mga nawawalang alaala, mas lalo lang lumalala ang tensyon sa pagitan nila.
Ayaw ni Allyana kay Miguel.
Hindi niya maintindihan kung bakit parang laging may invisible wall sa pagitan nila... at kung bakit bawat tingin nito ay nagpapabilis ng tibok ng puso niya sa paraang hindi dapat maramdaman ng isang pinsan.
Samantalang si Miguel, pilit nilalabanan ang kakaibang pakiramdam na tila may mahalaga siyang nakalimutan—isang bagay na hindi niya maipaliwanag.
Pero paano kung kasinungalingan ang lahat ng pinaniwalaan nila?
Paano kung ang taong ipinakilalang pinsan niya... ay ang lalaking minsan na niyang pinakasalan?
At kapag bumalik ang alaala nila, handa ba silang harapin ang katotohanang minsan na silang nagmahal... o mas gugustuhin nilang manatiling nakalimutan ang lahat?
2.2K