Katie Alcos
I Accidentally Fell in Love with a Dalaga from 1892
Written by: Katie Alcos
Si Liam Hamilton ay isang bilyonaryong halos nasa kaniya na ang lahat—napakalaking kayamanan, matagumpay na negosyo, marangyang pamumuhay, at kagwapuhang hindi maikakaila. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, isa siyang mayabang, mapag-utos, at sanay na sinusunod ang bawat gusto niya.
Hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang magdala sa kaniya sa taong 1892.
Bigla siyang napunta sa panahong walang cellphone, walang internet, walang makabagong teknolohiya, at higit sa lahat, walang nakakakilala sa kaniya. Ang kaniyang bilyon-bilyong yaman ay wala ring silbi sa panahong hindi pa umiiral ang perang ginagamit niya.
Doon niya nakilala si Liwayway Panganiban, isang magandang dalagang Pilipina na mahinhin sa pananalita ngunit palaban kapag kinakailangan. Hindi tulad ng mga babaeng nakasanayan ni Liam, hindi siya madaling humanga sa itsura o kayamanan nito. Sa katunayan, para sa kaniya, isa lamang itong mayabang at walang modo na dayuhan!
Sa kagustuhang maunawaan ang kaniyang kalagayan, nakilala ni Liam si Dr. Jose Rizal, ang tanging taong nakakaintindi at nakakausap niya gamit ang wikang Ingles.
Sa gitna ng nakatutuwang banggaan ng dalawang magkaibang panahon, hindi namalayan ni Liam na unti-unti na siyang nahuhulog sa babaeng palaging sumusubok sa kaniyang pasensya.
Dumating siya sa nakaraan upang makabalik sa hinaharap.
Pero paano kung ang babaeng natagpuan niya sa nakaraan ang maging dahilan kung bakit ayaw na niyang bumalik?
Dahil paano mo pipiliin ang kinabukasan kung ang puso mo ay naiwan na sa nakaraan?
15