Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Hidden Identity×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Teenager
Twins
Badgirl
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Nanny
Agent
Professor
Triplets
Artist
OFW
Star
Warrior
Medical Genius
Police
Detective
Hunter
Hybrid
Gamer
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
Contract Marriage×
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Love after Marriage
Second Chance
Age Gap
First Love
Office Relationship
Misunderstanding
Love-Triangle
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Flash Marriage
Divorce
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Harem
Immortal Hero
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
Third-Person POV×
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Tragedy
Action
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Third-Person POV Web Novels & Hidden Identity Contract Marriage Stories

Explore novels and web novels featuring Hidden Identity, with Contract Marriage and Third-Person POV content. Browse engaging stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
The Devil I Merried  - undefined novels & stories
Anaeli
Noong sanggol pa lamang si Amara Villanueva, nawala siya sa kanyang tunay na pamilya matapos ang isang misteryosong trahedya. Lumaki siya sa piling ng isang mahirap ngunit mapagmahal na pamilya, walang kaalam-alam na siya pala ang nag-iisang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Samantala, si Damien Montenegro, isang makapangyarihan, dominante, at kinatatakutang billionaire CEO, ay kilala bilang "The Devil" ng business world. Wala siyang pinaniniwalaan kundi kapangyarihan at pera. Ngunit nang magkrus ang landas nila ni Amara, isang bagay na hindi niya maipaliwanag ang unti-unting gumulo sa kanyang malamig na mundo. Dahil sa isang kasunduang kapwa nila kailangan, napilitan silang pumasok sa isang contract marriage. Para kay Amara, isa lamang itong paraan upang iligtas ang kanyang pamilya. Para kay Damien, isa lamang itong negosyo. Ngunit habang magkasama sila sa iisang bubong, ang galit, pagtatalo, at matinding tensyon sa pagitan nila ay unti-unting napalitan ng damdaming pareho nilang pilit itinatanggi. Habang lumalalim ang kanilang relasyon, isa-isang nabubunyag ang mga lihim ng nakaraan. Nang matuklasan ni Amara ang kanyang tunay na pagkatao bilang nawawalang heiress, nagsimula ang laban para sa mana, kapangyarihan, at katotohanan. Ngunit ang pinakamalaking pagsubok ay darating kapag nalaman niyang may koneksyon si Damien sa trahedyang sumira sa kanyang buhay. Sa mundong puno ng kasinungalingan, pagtataksil, at paghihiganti, kaya bang manaig ang pag-ibig? O tuluyan silang wawasakin ng mga lihim na matagal nang nakabaon sa nakaraan? Minsan, ang taong pinakamapanganib mahalin... ay siya ring taong nakatakdang mahalin habang-buhay.
10
587
Used by her Ex, Agreed to Marry the Billionaire - undefined novels & stories
Susi
Sa loob ng ilang taon bilang magkasintahan, nahuli ni Emily na niloloko siya ng kaniyang nobyo dahilan para makipaghiwalay siya rito at bumalik sa dati niyang buhay na tinalikuran para sa lalaki. Kasabay nito ay ang pagpayag na magpakasal sa lalaking itinakda sa kaniya ng kaniyang lolo. Akala niya ay hindi niya ito mamahalin, ngunit unti-unti'y natagpuan niya ang sarili niyang nahuhulog na rito. May patunguhan kaya ang nararamdaman niya?
352
Langitngit ng Langit - undefined novels & stories
Gabriel Pattern
Sumumpang hindi na muling magmamahal si Erzel matapos siyang iwan ni Alfred Caballero—ang lalaking nangakong pakakasalan siya. Imbes na magmukmok, ibinuhos na lang niya ang oras sa trabaho. Sa umaga, kilala siya bilang albularyo. Pagsapit ng gabi, tumatanggap siya ng mga pribadong appointment mula sa mayayamang kliyenteng handang magbayad ng malaking halaga kapalit ng serbisyo niya. Hanggang sa isang gabi, na-set up siya at pinahiya ng asawa ng isa sa kanyang mayayamang kliyente. Akala niya, iyon na ang katapusan ng lahat. Pero dumating si Juan Miguel Cervantez—isang makapangyarihan at bilyonaryong negosyante na nagligtas sa kanya sa kahihiyan. Ngunit hindi basta pagtulong ang sadya ni Juan Miguel. Naniniwala itong isinumpa siya matapos mabigo ang lahat ng doktor na gamutin ang sakit niya. Desperado siyang magbayad ng malaking halaga para lang gumaling sa pag-asang babalikan pa siya ng ex-fiancée niyang si Zunshine Agustin. Desidido si Erzel na lokohin ang desperadong lalaki habang itinatago ang sikreto sa likod ng kanyang pagiging albularyo. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama nila, mas lalo naman silang napapalapit sa isa't isa. Kasabay nito ang muling paglitaw nina Zunshine Agustin at Alfred Caballero—ang dalawang taong unang sumira sa kanilang mga puso. Kung ang tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para paglapitin ang dalawang pusong parehong iniwan, sapat na kaya iyon para matutunan nilang magmahal muli? Lalangitngit na ang langit... sasama ka ba?
10
558
Runaway Bride: Kissed By The Domineering Billionaire  - undefined novels & stories
miesyu
Matapos tumakas sa isang kasalang ipinilit sa kanya, umaasa si Cella na magsisimula na ang kanyang bagong buhay sa lungsod. Ngunit sa mismong unang gabi ng kanyang kalayaan, muntik nang maagaw ang lahat nang lokohin siya ng isang walang lisensyang driver na nagtangkang pagsamantalahan siya. Sa kabila ng kanyang inosenteng anyo, hindi basta sumusuko si Cella. Lumaban siya nang buong tapang at nagawang makatakas, kahit sugatan, umiiyak, at walang ibang malapitan. Habang desperadong tumatakbo sa gitna ng gabi, isang marangyang restaurant ang nagsilbing huling pag-asa niya. Doon niya nakilala si Henry Reyes—isang makapangyarihan, malamig, at matagumpay na negosyanteng naniniwalang ang kasal ay isa lamang kasunduan para sa kapangyarihan. Habang naghahanda siyang makipagkita sa babaeng napili ng kanyang pamilya bilang mapapangasawa, biglang sumulpot sa kanyang harapan ang isang babaeng nakasuot pa ng pulang damit-pangkasal, umiiyak at humihingi ng tulong. Isang pagtatagpong hindi inaasahan ang maaaring tuluyang magbago sa kapalaran nilang dalawa. Sa pagitan ng isang babaeng tumatakas sa itinakdang kapalaran at isang lalaking walang puwang ang pag-ibig sa puso, maaari bang ang isang gabing puno ng panganib ang maging simula ng isang kuwentong hindi nila kailanman inasahan?
170
Hidden Marriage, Broken Promises - undefined novels & stories
JP
Tatlong taon. Tatlong taong magpapanggap silang tunay na mag-asawa. Tatlong taong hihintayin ni Hendrix ang pagbabalik ng babaeng tunay niyang minahal. Sa loob ng dalawang taon ng kanilang pagsasama, naging perpekto si Hendrix bilang asawa. Inalagaan siya nito, pinrotektahan, at hindi kailanman pinabayaang magkulang sa anumang bagay. Sa paningin ng lahat, sila ang huwarang mag-asawa. Ngunit si Sabrina lang ang nakaaalam ng mapait na katotohanan. Lahat ng kabutihang ipinapakita ni Hendrix ay bunga lamang ng obligasyon—hindi ng pagmamahal. At sa mismong araw ng kanilang ikalawang wedding anniversary, habang tangan ni Sabrina ang ultrasound na magbabago sana ng kanilang buhay, isang divorce agreement ang iniabot ng kanyang asawa. Bumalik na kasi si Kathryn Rodriguez—ang babaeng hindi kailanman nawala sa puso ni Hendrix. Sa isang iglap, nawasak ang lahat ng pangarap ni Sabrina. Pati ang balitang magkakaroon sila ng anak ay hindi na niya nagawang sabihin. Pinili niyang lumayo... kasama ang lihim na anak na hindi kailanman malalaman ni Hendrix. Ngunit hindi alam ng lahat na si Sabrina ay hindi lamang isang simpleng babae. Sa likod ng kanyang maamong ngiti ay nakatago ang isang pambihirang talino. Isa siyang world-class medical researcher na hinahangaan ng mga pinakamalalaking pharmaceutical companies sa buong mundo—isang babaeng isinuko ang sariling kinabukasan alang-alang sa lalaking minahal niya. Nang tuluyan niyang piliing unahin ang sarili at ang kanyang anak, saka lamang napagtanto ni Hendrix ang pinakamalaki niyang pagkakamali. Ngunit paano kung huli na ang lahat? Paano kung ang babaeng minsang handang ibigay ang buong mundo para sa kanya ay wala nang natitirang pagmamahal? At paano kung ang lihim na anak na hindi niya kailanman nakilala ang maging susi upang tuluyan niyang maunawaan ang tunay na halaga ng pag-ibig? May natitira pa bang pusong handang magpatawad? O ang tanging natitira na lamang ay pagsisisi habang buhay?
174
PREV
12
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status