cassie
The CEO's Favorite Possession
Author: Cassie
Isang gabing pagkakamali ang nagbago sa buong buhay ni Ariana. Nagising siya sa tabi ng isang estrangherong lalaki—walang alaala kung paano sila nauwi roon. Akala niya ay iyon na ang huling pagkakataon na magkikita sila.
Nagkamali siya.
Ang lalaking nakasama niya ay si Zachary Monteverde—isang malamig, makapangyarihan, at kinatatakutang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto niya.
Nang muli silang magkita, isang nakakagulat na alok ang ibinigay nito.
"You don't belong to anyone else. You're my favorite possession."
Ngunit paano kung ang babaeng itinuring niyang pag-aari ang siyang unti-unting magpapabagsak sa matigas niyang puso? At paano kung ang gabing pilit nilang kinakalimutan ay may inililihim na katotohanang kayang sirain ang kanilang mundo?
Sa larong puno ng pagnanasa, kapangyarihan, at mga lihim, sino ang tunay na may kontrol? At hanggang kailan magiging paboritong pag-aari ang isang babaeng handang lumaban para sa sariling kalayaan?
201