Novels
Short Stories

Genres

All
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Characters

36
Intelligent×
All
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Show more

Plot & Setting

40
All
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Show more

Themes

13
Third-Person POV×
All
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Show more

Intelligent Third-Person POV Web Novels & Stories

Explore novels and web novels featuring Intelligent and Third-Person POV content, with engaging stories and immersive reading. Browse popular stories online and find your next read.
Filter By

Content words
All<30k30k-50k50k-100k>100k
Sort By

PopularRecommendationRatesUpdated
Betrayed by My Husband, Chosen by a Legal Tycoon - undefined novels & stories
Katherine Hart
Tatlong taon. Tatlong taon ng pagmamahal, pangako, at isang kasal na akala ni Kate Herrera ay mananatili habang-buhay. Para sa kanya, si Richard Tolentino na ang perpektong asawa—mapagmahal, maalaga, at tila walang ibang babae sa mundo kundi siya. Kaya nang makatanggap siya ng mensahe mula sa isang misteryosong numero na nagsasabing niloloko siya ng kanyang asawa, hindi siya naniwala. Hanggang sa makita niya mismo ang katotohanan. Ang asawang minamahal niya ay nakikipaghalikan sa ibang babae. At ang mas masakit? Ang babaeng iyon ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Cristina Mendoza. Sa isang iglap, gumuho ang mundong pinaniwalaan niyang ligtas. Pero hindi pa tapos ang lahat. Dahil sa likod ng pagtataksil ay may mga lihim na mas malalim kaysa sa isang simpleng pagtataksil. May mga ari-ariang palihim na nailipat, mga ebidensiyang unti-unting lumilitaw, at isang misteryosong taong tila alam ang bawat sikreto ni Richard. Sino ang nasa likod ng mga mensahe? Bakit siya tinutulungan nito? At hanggang saan ang kaya niyang gawin para mabawi ang lahat ng kinuha sa kanya? Mula sa babaeng sinaktan at niloko… magiging babaeng hindi na kayang apihin si Kate Herrera. Dahil sa pagkakataong ito— hindi na siya lalaban para sa pag-ibig. Lalaban siya para sa sarili niya.
157
Don't Leave Me Loving You - undefined novels & stories
Loen Scorp
Hinayaan ni Dianne na mahulog ang puso kay Ruan na hindi nagkulang sa pagpaparamdam sa kanya ng tunay na ibig sabihin ng pagmamahal. But their fairy tale love story ended so suddenly. Binalewala niya ang mga magulang hanggang sa ilang taon siyang binabangungot ng katotohanang nawala ang mga ito dahil sa kagagawan niya. Daven came and rescued her from her gloomy past. Ngunit may mga bagay sa kanyang nakaraan na kailanman ay hindi siya tatantanan, katulad ni Ruan na naghahanap ng dahilan kung bakit niya ito iniwan noon nang walang paalam.
10
291
THE SPACES IN BETWEEN  - undefined novels & stories
Ansh Marie Toperz
"The Spaces in Between" follows the lives of nineteen-year-old Thalixen "Thali" Kaelis and twenty-one-year-old Zephora "Zephyr" Jove, two strangers thrust into a forced kinship when their parents, Valerius Kaelis and Sorenia Jove, get married. Thali is a quiet, reserved artist still grieving her mother's death, while Zephyr is a charismatic, high-achieving architecture student carrying the weight of family expectations. Brought together under the immaculate, suffocating roof of the Jove estate in Manila, they initially build walls to survive the awkward transition of their families merging. However, forced proximity, shared university transport, and late-night vulnerability slowly melt Thali’s defenses, giving way to an intense, undeniable bond. Written in smooth, emotional Taglish, the story charts the dangerous evolution of their relationship. What begins as a strategic alliance to endure their parents' high expectations shifts into a deep, consuming affection. They find comfort in the unspoken gaps of their conversations, but as their emotional boundaries blur, they cross a line into a forbidden romance. The realization of their feelings brings intense guilt, knowing their love defies the legal and social titles binding them as step-sisters. When Valerius and Sorenia discover the secret affair, a devastating family confrontation ensues, forcing an ultimatum that separates the sisters. Zephyr leaves everything behind to build a life from scratch, and Thali eventually escapes to join her in a small, rented studio apartment. Together, they navigate financial hardships and familial isolation, proving that their bond is permanent. Over time, a tentative truce forms with their parents as they redefine their roles. Ultimately, Thali and Zephyr eliminate the painful spaces that once kept them apart, building a future entirely on their own terms.
164
My Ex-Husband Regrets Losing Me To a Billionaire - undefined novels & stories
Chang Go
Sa loob ng sampung taon, itinago ni Allan Santos ang tunay na pagkatao ni Jane Vasquez—ang babaeng pinakasalan niya matapos itong mabuntis. Para sa pamilya ni Allan, isa lamang si Jane sa mga babaeng naghahanap ng pagkakataong makapangasawa ng mayaman. Nakilala niya si Allan sa isang bar kung saan nagtatrabaho siya tuwing gabi. Hindi nila alam na sa umaga, isa siyang respetadong propesyonal at dating Chief Technology Officer (CTO) ng Aurelion Technologies International, isang kilalang kumpanya sa larangan ng teknolohiya at artificial intelligence. Nagtatrabaho si Jane sa bar hindi dahil wala siyang ibang kakayahan, kundi dahil kailangan niyang makalikom ng pera para sa operasyon ng kaniyang ina. Ngunit nang mabuntis siya at pakasalan ni Allan, iniwan niya ang kaniyang mataas na posisyon upang italaga ang sarili sa kaniyang pamilya. Para sa kanila, isa siyang babaeng mapagsamantala. Para sa kaniyang biyenan, hindi siya karapat-dapat sa kanilang pamilya. Ngunit ang pinakamasakit na katotohanan ay hindi lamang ang pangmamaliit sa kaniya. Kundi ang araw na nalaman niyang ikakasal ang sarili niyang asawa sa dating secretary ng kanyang asawa na si Alexa Cruz. Sa araw ng kasal, sa harap ng mga panauhin at ng pamilyang minsang ipinaglaban niya, tuluyan nang gumuho ang mundong binuo ni Jane. Sa halip na humingi ng tawad, itinaboy siya ni Allan. Maging ang sarili niyang anak ay pinili ang babaeng papalit sa kaniya. Pagkatapos ng sampung taon ng pagtitiis at pagsasakripisyo, tuluyan siyang lumayo sa lalaking minahal niya nang higit pa sa sarili niya. Ngunit hindi alam ni Allan na ang babaeng itinuring niyang pabigat ay ang mismong propesyonal na kailangan ng kaniyang kumpanya. Hindi niya alam na ang dating CTO na matagal nang hinahanap ng Aurelion Technologies International ay walang iba kundi ang sarili niyang asawa.
154
The Billionaire Doctor’s Unwanted Son is a Medical Prodigy - undefined novels & stories
Lynxir
Anim na taong pinalaking mag-isa ng isang ulila at dalagang inang si Tasha Lane ang kaniyang anak na lalaking si Bailey. Isang kahig, isang tuka man ang uri ng pamumuhay, lumaking edukado si Bailey na mayroong pambihirang katalinuhan at interes sa panggagamot at medisina. Iniimbak niya ang kaniyang karunungan—sapat upang maging laging handa para matulungan ang kaniyang inang tila lapitin sa aksidente. “Bailey, saan mo ba natutunan lahat ng 'yan?” Pagtatakang tanong ni Tasha sa kaniyang anak na tutok sa pagpapatak ng betadine sa maliit na hiwa ng kaniyang ina. “Sa books.” “Lahat?” “Mostly. May videos din. But I don’t watch them when you’re around. Sabi mo kasi, baka hindi ako makatulog.” “BAILEY! Hindi naman talaga dapat nanonood ng gano'n ang anim na taong gulang!” “Five ako noong una kong napanood. For educational purposes, ma.” Napapailing na lang palagi si Tasha sapagkat minsan, iniisip niyang may matandang doktor na nakasapi sa katawan ng kaniyang anak. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang pambihirang kakayahan at pagkakahawig ni Bailey sa tinaguriang prodigy at billionaire doctor na si Dr. Kael Reed ang siyang magkokonekta sa kanilang mga buhay at mag-uungkat sa anim na taong lihim na maaaring magpabago sa kanilang kapalaran magpakailanman.
53
THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR - undefined novels & stories
Amarahwrites
"Buntis ang kapatid mo. At si Cyrus ang ama." Ito ang mga salitang nagpaguho sa mundo ni Sophia Lucero. Ang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay, nagawa siyang pagtaksilan sa mismong pamamahay nila... at ang babae nito ay ang sarili niyang half-sister na si Olivia. Ngunit hindi doon nagtapos ang bangungot. Upang protektahan si Olivia at ang dinadala nito, pinili ng sariling mga magulang ni Sophia na talikuran siya. Pinilit siyang tanggapin ang pagtataksil ng dalawa, sinabotahe ang kanyang karera bilang acupuncturist, at tuluyang sinira ang kanyang reputasyon sa pamamagitan ng isang frame-up. Sa isang iglap, nawala kay Sophia ang lahat... pamilya, pag-ibig, at pangarap. Nang akala niya wala nang natitira sa kanya, ang pambihira niyang galing sa acupuncture ang naging daan para makilala siya ni Lennox, ang makapangyarihan ngunit misteryosong chairman ng Silvestre Group mula sa kalapit na siyudad. Inimbitahan siya nitong gamutin ang matagal nang sakit sa binti ng kanyang lolo—isang oportunidad na maaaring magbigay sa kanya ng panibagong simula. Ngunit sa engrandeng engagement party nina Cyrus at Olivia, laking gulat ni Sophia nang malaman niyang ang tahimik at maimpluwensyang lalaking ilang beses nang tumulong sa kanya ay walang iba kundi ang nakatatandang kapatid ni Cyrus. Desidido si Sophia na lumayo upang maiwasan ang mas malaking komplikasyon. Pero hindi ganoon kadaling takasan si Lennox. "We can't be together," Sophia whispered. "If we do, Cyrus and Olivia will still be our family.” Dahan-dahan siyang hinila ni Lennox sa mga bisig nito. Marahang hinaplos ng mga daliri nito ang kanyang buhok bago ito nagsalita sa malalim at matatag na tinig. "Then let them learn what it feels like to lose everything they took from you."
10
294
Seduced by Fate, Bound to the Untouchable CEO - undefined novels & stories
Chang Go
“Kung kailangan kong magpakasal sa isang estranghero para makaligtas sa sarili kong pamilya, gagawin ko!” Iyon ang naging paninindigan ni Andrea Villanueva nang malaman niyang hindi siya tunay na anak ng pamilyang kumupkop sa kanya. Sa loob ng dalawampung taon, naniwala siyang minahal siya ng mga Villanueva—hanggang sa bumalik ang kanilang tunay na anak at tuluyang mabunyag ang lihim na matagal nilang itinago. Upang maisalba ang negosyo ng pamilya, nilasing at ipinagamit siya ng mga taong itinuring niyang magulang sa isang mayamang matandang lalaki. Ngunit sa desperadong pagtakas ni Andrea, napadpad siya sa isang estranghero—si Alexander Monteverde, ang makapangyarihan at malamig na pinuno ng isang malaking business empire. Pareho silang nasa ilalim ng impluwensiya ng gamot. Isang gabing hindi nila inaasahan ang nagbuklod sa kanilang dalawa, at kinabukasan, isang alok ang nagpabago sa buhay ni Andrea: kasal. Para kay Alexander, ang pagpapakasal ay paraan upang matigil ang pangungulit ng kanyang lolo. Para naman kay Andrea, ang pagiging asawa ng isang makapangyarihang lalaki ang maaaring maging panangga laban sa pamilyang minsang nagtaksil sa kanya. Kaya pumayag siyang sumugal—kahit halos hindi niya kilala ang lalaking magiging asawa niya. Sa isang iglap, naging asawa ng malamig at mailap na bilyonaryo ang dalagang itinuring lamang na kapalit. Ngunit sa likod ng kanilang kasal na nagsimula sa kasunduan, may mga damdaming hindi nila kayang kontrolin. Nang mabalitaan ni Andrea na bumalik na sa bansa ang babaeng pinaniniwalaang unang minahal ni Alexander, iniwan niya ang kasunduan sa diborsiyo at tumakas. Akala niya, madali siyang pakakawalan ng kanyang asawa. Ngunit sa gabing iyon, sa harap ng bintanang tanaw ang lungsod, hinarap siya ni Alexander at bumulong: “Wala akong ibang babaeng iniingatan sa puso ko. Ikaw lang, Andrea.” Kung kasal ang nagsimula sa isang gabing hindi nila maalala, pag-ibig ba ang magiging dahilan para hindi na sila maghiwalay?
66
Reborn to Marry the Exiled Man - undefined novels & stories
J.C.
“Gusto mo ba akong pakasalan?” Napatingin si Lalaine Velasco sa lalaking nasa harapan niya. Sa kanyang unang buhay, naniwala si Lalaine sa maling mga tao. Ibinigay niya ang kanyang kabaitan, pagkain, at tiwala sa mga taong tinawag niyang kaibigan. Ngunit ang kapalit? Pagtataksil, kahihiyan, at isang buhay na puno ng pagsisisi. Ang kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Rowena Villaruel, ang nagdala sa kanya sa kapahamakan. Si Carlos Villapando naman, ang lalaking pilit niyang tinanggihan, ang muntik nang sumira sa kanyang kinabukasan. Ngunit nang akala niya ay wala nang pag-asa, bigla siyang nagising sa nakaraan. Bumalik siya sa panahong ipinadala ang mga kabataan sa kanayunan—sa lugar kung saan nagsimula ang kanyang mga paghihirap. Sa pagkakataong ito, hindi na siya ang dating Lalaine. Pinangako niya sa sarili na hindi na siya magpapagamit kahit kanino at hindi na niya hahayaang may ibang magdikta ng kanyang kapalaran.  Dahil dito gumawa siya ng isang desisyong ikagugulat ng lahat. Pakakasalan niya si Jason Madrigal. Ang lalaking itinakwil ng buong nayon. Ang lalaking tinatawag nilang masama at sapilitang pinatira sa isang lumang kulungan ng baka. Ngunit may isang bagay na alam ni Lalaine na hindi alam ng iba. Ang lalaking kinukutya nila ay may nakatagong potensyal na maaaring magbago ng kanilang kapalaran. Ang problema? Hindi madaling pagkatiwalaan ang isang Jason Madrigal. Malamig ang kanyang mga mata, misteryoso ang kanyang pagkatao, at tila alam niyang may itinatago ang kanyang bagong asawa. Bakit biglang nagbago si Lalaine? Bakit tila alam nito ang mga bagay na hindi pa nangyayari? At bakit, sa kabila ng kanyang tapang, nanginginig siya sa tuwing lumalapit ang lalaki? Bumalik si Lalaine para sa paghihiganti. Ngunit hindi niya inaasahan na ang lalaking pinakasalan niya para sa kanyang kaligtasan ang magiging pinakamalaking misteryo ng kanyang bagong buhay. At maaaring… ang kanyang pinakamalaking pag-ibig.
37
PREV
12

You May Also Like

The Supreme (TAGALOG VERSION)
The Supreme (TAGALOG VERSION)
Fantasy · Depthless_Scrivener
13.7K views
THE ULTIMATE PLEASURE
THE ULTIMATE PLEASURE
Romance · EtherealPen
539 views
THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR
THE CHAIRMAN'S BELOVED DOCTOR
Romance · Amarahwrites
294 views
Taming The Ruthless Mafia King
Taming The Ruthless Mafia King
Mafia · CelestielleEmpress
405 views

New Arrivals

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status