ExDealers
“Your parents sold you. I bought you. So don’t stand there pretending you still have a choice.” - Aamon Carrington
********************************************************
Nang mabaon sa utang ang pamilya ni Zaniyah, sinabi ng kanyang mga magulang na may isang paraan para mailigtas sila.
Isang gabi lang daw ang kailangan.
Naniwala siya, hanggang sa dalhin siya sa isang auction room na puno ng mayayamang lalaki.
Doon niya nalaman na hindi siya dinala roon para magtrabaho, kundi para ipagbili sa pinakamataas na bidder.
At ang lalaking bumili sa kanya sa halagang ₱100 milyon ay si Aamon Carrington—ang bilyonaryong CEO ng Carrington Group, ang una niyang minahal, at ang unang sumira sa puso niya.
Binili siya para maging lihim na mistress ito.
May asawa na si Aamon—si Megan Carrington—ngunit dahil hindi ito magkaanak, nanganganib mawala sa kanila ang Carrington Empire.
Kaya isang malupit na kasunduan ang ipinataw kay Zaniyah:
Isilang ang tagapagmana. Isuko ang bata. At umalis pagkatapos.
Wala siyang magawa kundi tanggapin iyon.
Habang buntis, tiniis niya ang kalupitan ni Megan at ang malamig na pagtrato ni Aamon. Ngunit matapos niyang manganak, kinuha sa kanya ang sanggol habang wala siyang malay.
At nang magising siya, iniwan siyang duguan at halos mamatay sa gilid ng kalsada.
Akala niya, katapusan na niya iyon.
Hanggang sa isang estranghero ang sumagip sa kanya—ang panganay niyang kapatid mula sa makapangyarihang Vescari Family, ang tunay niyang pamilyang matagal na siyang hinahanap.
Sa ilalim ng proteksyon ng kanyang mga kapatid, dala ang bagong pangalan at bagong pagkatao, babangon si Zaniyah. Babalik siya upang bawiin ang anak niya at singilin ang lahat ng taong sumira sa kanyang buhay.
Ngunit kapag nalaman ni Aamon ang katotohanan at pinagsisihan niya iyon, maaayos pa kaya ang lahat?