Margaux Wilde
“S-Sir, sandali lang…”
“Shh. Don’t worry. I’ll make sure you’ll enjoy every second of this…”
Ipinagpatuloy ni Grae ang paghalik sa leeg ni Ingrid hanggang sa magpaubaya ito. Napangiti siya. Dahil sa ilang beses niyang panunukso rito ay bumigay rin ito sa wakas.
Noon lang nakakilala si Grae ng babaeng tulad nito. Sa loob ng maraming taon, naniwala siya sa iisang bagay - that love is a fantasy, and desire is real and unforgiving. Hanggang sa makilala niya si Ingrid - ordinaryo, matapang, matigas ang ulo. Hindi nito kailangan ng pera, at hindi niya maintindihan kung bakit habang tumatagal, ang simple niyang interes sa dalaga ay nauwi sa mapanganib na obsesyon.
Sa edad na 34, na kay Graeson Castillone na ang lahat - pera, mga babae, at kapangyarihan na nagpapaluhod sa mga tao. At mayroon din siyang isang sikreto na walang nakakaalam - Every Castillone property has a room that doesn’t appear on any public booking list - Suite Number Six.
Private, exclusive, untouchable. Para sa mga makapangyarihang tao na may mga kailangang itago - politicians with forbidden affairs, CEOs with dangerous obsessions, married men and women looking for something they shouldn’t want. At kung ano ang nangyayari sa Suite Number Six ay mananatili sa loob niyon, kapalit ng malaking halaga.
Ngunit ang hindi alam ng lahat, may nanonood sa mga nangyayari sa Suite Number Six - sa bawat lihim, sa bawat halik, sa bawat pagtataksil at may mga taong handang magbayad kahit na magkano para lamang mailantad ang mga ito.
Pero paano kung malaman ni Ingrid ang tungkol doon kung kailan nakuha na niya ang loob nito? At paano kung manganib ang buhay ng babaeng una niyang pinag-alayan ng tunay na pagmamahal nang dahil sa kanya? Kaya ba niyang iwan ang lahat para rito?
66