Coralie Lunelle
Hindi kailanman inakala ni Danie na ang pagpapakasal sa isang makapangyarihang pamilya ng mga negosyante ay magiging simula ng kaniyang bangungot. Nakakulong siya sa isang relasyong walang pagmamahal at itinuturing na parang katulong ng kaniyang biyenan. Araw-araw siyang nagtitiis sa isang tahanang hindi niya maramdaman na kaniya habang unti-unting nauubos ang kaniyang pag-asa at kaligayahan.
Ngunit nagbago ang lahat nang unti-unting mahulog ang kaniyang damdamin kay John ,ang malamig at makapangyarihang nakatatandang kapatid ng kaniyang asawa.Ang mga palihim na sulyap ay nauwi sa isang mapanganib na atraksyon na kapwa nila nahihirapang pigilan.
Alam ni Danie na ipinagbabawal ang damdaming namamagitan sa kanila,ngunit tila walang kapangyarihan ang katwiran laban sa tibok ng kaniyang puso.Habang lalong lumalalim ang kanilang ugnayan,kailangan nilang harapin ang posibleng bunga ng kanilang lihim na pagnanasa-isang pagnanasang maaaring sumira sa kanilang pamilya,magwasak sa kaniyang pagsasama,at magpabago sa kanilang mga buhay magpakailangan.
Sa mundong ipinagbabawal ang pag-ibig at may kapalit na mabigat na halaga ang bawat pagnanasa,pipiliin kaya ni Danie at John na ipaglaban ang kanilang damdamin o tatalikuran nila ang isa't isa bago tuluyang masira ang lahat?
47