Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
109.4K viewsOngoingAdded to Library 243 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
Obsessed With My Stepsister

Obsessed With My Stepsister

“Akin ka lang, Vespera. Kahit stepsister kita sa papel, kahit bawal tayo sa dugo at mata ng mundo—hindi na kita pakakawalan ulit.” Ako si Vespera Luxienne Salazar, 29 anyos na nagtago limang taon sa Italy kasama ang kambal kong anak—sina Azrael at Nyxienne—mula sa lalaking sumira at sumakop sa puso ko: si Draven Kairos Valtieri. Siya ang ruthless na mafia heir ng Valtieri empire—guwapong mapanganib, puno ng tattoos, at may obsession na hindi na matitinag. Simula nang mag-merge ang pamilya namin dahil sa arranged marriage ng mga magulang, bawal na pag-ibig ang naging simula namin: isang gabing puno ng galit, pagnanasa, at kasalanan na nag-iwan sa akin ng kambal. Nang malaman kong may kinalaman ang ex niya sa aksidenteng muntik nang pumatay sa akin at sa mga anak ko, umalis ako. Ngayon, bumalik ako dahil sa sakit ng ina ko—handa na sanang harapin ang nakaraan, pero hindi ang muling pag-alab ng obsession niya. Habang nagmamakaawa siya at pinoprotektahan kami, lumalabas ang mga lihim: ako pala ang lost heiress ng ancient Moretti bloodline, at ang kambal ang may dalang kapangyarihan na gustong agawin ng mga kaaway. Sino ang tunay na traidor? Makakalaya ba kami sa bawal na pag-ibig na ito, o mas lalo lang kaming mabibitag sa dilim?
10449 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
ENTER ME ENGINEER(LADY-RIDER SERIES BOOK|||)

ENTER ME ENGINEER(LADY-RIDER SERIES BOOK|||)

Synopsis(Enter me Engineer) SSPG ‼️ Si Tricia A.K.A Tatty ay Isang 27 years old. She's a spoiled brat at rebelliousang babae, sakit sa ulo ng kanyang mga magulang. Halimaw ring sumibak sa kalsada at palaging nakipag karera kay kamatayan. She's a flirt at cowboy ang dating. Upang magtino pinagbawalan siya ng kanyang mga magulang na mag throttle, at personal na pinaasikaso sa kanya ang building na pinapatayo ng kaniyang mga magulang upang gawing commercial business. At doon niya nakilala si Zypeir Montelibano, Isang gwapong engineer na nagpalaglag sa kanyang panty. Ngunit dedma nito ang kanyang beauty kaya subrang naapakan ang kanyang pride. Sa kagustuhang matikman ang Engineer, She blackmail him. She will pull out the project na nasimulan nito kung hindi siya nito pagbigyan sa gusto niyang mangyari. Bumigay si Zypeir, sa hotel room hindi inakala ni Tricia na halimaw pala sa kama ang binata. Ang akala ni Tricia nasa kanya ang huling halakhak nagkakamali pala siya. Nilumpo siya ng Engineer at nalagnat kinabukasan dahil sa laki ng tarugo nito.
10199 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
9.327.6K viewsCompletedAdded to Library 910 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney

Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
832 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )

THE BILLIONAIRE'S SON ( SURROGATE MOM )

JADE DELFINO
Dominice Travis Lucas, unexpectedly accepted as P.A ( PERSONAL ASSISTANT ) of Mrs. Horman. She's not familiar to her new Boss, pero mahalaga sa kanya ngayon ang trabaho. Akala niya ay magiging P.A siya nang bagong Amo. Pero nagulat na lang siya ng malaman ang totoong pakay nito sa kanya. Gusto nito na maging SURROGATE MOTHER siya sa anak nito. Dahil hindi makabuo ang fiancee ng anak nitong si Ace Tyron Horman. Isang well-known businessman. Mahirap para kay Domi ang tanggapin, ngunit dahil sa pangangailangan ng kanyang kapatid na may sakit ay tinanggap niya ito. Naging surrogate mom siya, at hindi successful ang unang subok nila. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nakabuo sila, pero ang totoo ay may nangyari pala talaga sa kanilang dalawa. Sa ama ng kanyang pinagbubuntis na si ACE TRYON HORMAN. Sa hindi alam na kadahilanan ay nagugustuhan na pala ni Domi ang ama ng kanyang pinag-bubuntis. Pero hindi niya maiwasan na masaktan dahil may iba na itong mahal.
102.9K viewsOngoingAdded to Library 83 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE

REMEMBER ME MR. BILLIONAIRE

Nalaman ni Eloise De Vega na niloloko siya ng kanyang fiancee na si Atticus. Labis ang sakit na kanyang nararamdaman ng mga panahon na iyon kaya naman walang pag-aalinlangang ibinigay niya ang kanyang pagkababae sa isang lalaking hindi niya kilala. Samantala, nakiusap naman ang kanyang kaibigan na si Brynne na akitin at paibigin niya ang lalaking nanloko dito. Naawa siya sa kanyang kaibigan kaya pumayag siya sa gusto nito. Maganda at sexy siya kaya impossibleng hindi mahuhulog sa bitag niya ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang malaman niyang ang lalaking nanloko sa kanyang kaibigan ay ang lalaking naka One night stand niya na si Elijah Montereal. Ang ama ng kanyang anak. Ngunit kailangan niyang tuparin ang naipangako niya sa kanyang kaibigan na iiwanan niya si Elijah sa mismong araw ng kanilang kasal. Paano kung sa muling pagkikita nilang dalawa ay hindi na siya maalala ng lalaki? May pag-asa pa kaya si Eloise sa puso ni Elijah gayong Ikakasal na ito sa kanyang kaibigan na si Brynne?
108.6K viewsOngoingAdded to Library 342 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Billionaire's Secret Wife is His Secretary

Isang kasal na nakatali sa papel. Isang kasunduan na may hangganan. At isang gabi na hindi dapat nangyari. Pitong taon na si Vaiana bilang secretary ni Kyro, at sa loob ng tatlong taon, si Vaiana ay naging anino ni Kyro de Vera—sekretarya sa umaga, asawa sa papel sa gabi. Alam niya ang lahat ng ugali nito, mula sa paboritong kulay ng suit hanggang sa mga lihim na hindi nito kailanman inamin. Pero isang gabing hindi niya matandaan ang tuluyang gumulo sa lahat. Nang magising siya sa tabi ng lalaking hindi dapat kanya, ramdam niya ang pait ng katotohanan—siya lang ang nagseryoso sa kasal na ito. Pero nang muli siyang harapin ni Kyro, may isang bagay itong sinabi na nagpayanig sa kanya: "Vaiana, ang babaeng kasama ko kagabi… ikaw ‘yon." Sa isang kasunduang dapat ay walang damdamin, paano kung hindi na niya kayang itanggi ang sakit? At paano kung si Kyro mismo ang magsimulang magtanong—sino nga ba ang tunay niyang babae?
8.8701.2K viewsOngoingAdded to Library 25.2K Times as 10 uri ng sakit
Show Reviews (88)
Read
+Library
Shiela
ano ba author mag 400 chapter na ang kwento mu.ne minsan wala pang kilig na nagaganap.baka nman paabotin mu pa hangang 1k nyan.dami muna sinali sa kwento nila para lng humaba.bat kaya hnd mu nlng gawan ng mga bagong kwento.ang mga sinasali mu.hnd nako magtataka sa mga susunod na mga bagong kwento mu
vzy
medyo nalilito lang ako sa characters mo author. sa kabanata 1, may pinapasok na magandang babae si vaiana para tumabi kay kyro di ba bago siya lumabas sa suite? sabi pa roon na “babaeng siya mismo ang tumawag”, e bakit kailangan pa oumunta ni vaiana sa bar para maghanap ng babaeng ihaharap kay kyro
Read All Reviews
Someone Like You

Someone Like You

Isang babaeng walang takot magmahal ngunit hindi pa kailanman tunay na umibig. Isang lalaking isinara na ang puso dahil sa pagkawala ng kanyang asawa. At isang batang naghihintay sa pagmamahal ng isang ina. Si Vanessa De Jesus ay isang masayahin, palabiro, at walang preno kung magsalita. Sa paghahanap ng trabaho, hindi niya inaasahang mapapasok siya sa kakaibang mundo ng mayamang negosyanteng si Vincent Curt Lee—isang malamig, istrikto, at halos walang pusong lalaki pagdating sa negosyo. Ang trabahong inaalok sa kanya? Magpanggap bilang si Chelsea Jimenez Lee, ang nawawalang asawa ni Vince at ina ng batang si Vincent. Sa mata ng publiko, buhay pa si Chelsea. Ngunit sa katotohanan, nababalot ng misteryo ang kanyang pagkamatay. Upang mapasaya ang anak na may sakit at nangungulila sa ina, pumayag si Vanessa na gampanan ang papel na hindi niya akalaing babago sa buhay niya. Sa loob ng mansyon, nagsimula ang isang kontratang puno ng mahigpit na patakaran—lalo na ang isang rule na tila pinakamahirap sundin: “Don’t you dare to fall in love with me.” Ngunit paano kung sa bawat pagtatalo, sa bawat banggaan ng personalidad, at sa bawat sandaling magkasama sila, unti-unting nabubuksan ang pusong matagal nang nakapinid? Habang lumalalim ang kanilang pagsasama, mabubunyag ang mga lihim sa likod ng aksidente ni Chelsea. Aksidente nga ba ito? O may mas malalim na dahilan sa likod ng pagkawala? Sa pagitan ng pagpapanggap at katotohanan, sa pagitan ng obligasyon at tunay na damdamin— maaari bang mahalin ng isang puso ang someone like you?
945 viewsCompletedAdded to Library 26 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
Marrying My Twin's Fiancé

Marrying My Twin's Fiancé

Magkasundo sa lahat ng bagay ang kambal na sina Celestine at Seraphina. Magkamukha sila, pero laging si Celestine ang paborito ng lahat—matalino, mabait, at higit sa lahat, minamahal ng fiancé niyang si Lukas. Samantalang si Seraphina, tila pinagpala sa lahat maliban sa isang bagay… ang puso ng lalaking matagal na niyang minahal ngunit hindi kailanman maaaring angkinin. Mula pa noon, mahal na ni Seraphina si Lukas. Pero dahil kay Celestine, pinili niyang itago ito. Dalawang linggo bago ang kasal, isang masakit na katotohanan ang lumabas. Celestine is dying. Matagal na pala niyang itinatago ang sakit, at ngayon, isang huling kahilingan ang iniwan niya—nais niyang si Seraphina ang magpakasal kay Lukas. Para kay Seraphina, ito na ang pinaka-masakit na desisyon sa buhay niya. Pero paano niya matatanggihan ang huling hiling ng kakambal? Pumayag siya. Kinasal sila ni Lukas. Pero sa bawat araw na lumilipas, ipinaramdam nito na kailanman, walang makakapalit kay Celestine sa puso niya. Kahit pa ang sariling kakambal nito.
10527 viewsOngoingAdded to Library 11 Times as 10 uri ng sakit
Read
+Library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status