Ex-Husband's Downfall: The Fake Wife Found Her Domineering Lover
Dalawang taon nang naniniwalang legal wife si Isabel Cienne Lopez. Pero nang ipa-verify niya ang marriage certificate nila, doon niya nalaman ang totoo.
Peke ang kasal nila ng asawa niyang si Joshua Casiño.
Gusto niyang komprontahin si Joshua, pero may narinig siyang usapan sa study room nang puntahan niya ito.
“Don’t worry, she still trusts me,” kampanteng sabi ng lalaki.
“Good,” sagot ng babae. “Basta tandaan mo, ako ang legal wife mo.”
Ang kausap nito? Si Sabrina Carpio. Ang dati nilang guidance counselor sa university na anim na taon ang tanda sa kanya.
At doon bumagsak ang lahat-lahat para kay Isobel.
Limang taon nang kasal ang dalawa, si Joshua at Sabrina. Ibig sabihin, ginamit lang si Isobel bilang shield. Siya ang pinakitang asawa sa publiko. Mas masakit pa, siya ang sinisisi kung bakit wala raw silang anak. Ang pinakamalala? Ang batang inampon nila ay tunay palang anak ng dalawa.
Hindi nag-iskandalo si Isobel. Tahimik lang siyang tumawag sa abogado ng pamilya niya.
“Attorney, single ako. No husband. No child. Lahat ng inheritance, sa akin lang.”
“Are you sure?”
“Yes.”
At umalis siya nang hindi lumilingon.
Akala ni Joshua babalik din si Isobel noong umalis ito.
“She can’t survive without me, she loves me so much.”
Pero ilang linggo lang ang lumipas, napabalita sa buong bansa ang isang engrandeng kasalan. Isang marriage alliance sa pagitan ng isang powerful tycoon at isang biglang lumitaw na heiress.
Sa panonood ng TV, nanigas si Joshua.
Si Isobel ang bride. Nakatayo siya sa tabi ng lalaking mukhang makapangyarihan, hawak ang kamay nito, confident at malamig ang tingin.
“She is my wife,” sabi ng lalaki sa harap ng media.
Sa pagkakataong ito, totoo na ang kasal ni Isobel.
At doon lang na-realize ni Joshua na hindi pala siya kawalan kay Isobel. Siya ang iniwan, at siya itong maghahabol sa "asawa" na niloko niya ngunit hindi na niya maaabot pa.