분야별
업데이트 중
모두연재 중참여
정렬 기준
모두인기순추천평점업데이트됨
Mahirap Balikan ang Kahapon

Mahirap Balikan ang Kahapon

"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
102.1K 조회수연재 중서재에 41회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Save Me

Save Me

Ang saya ko habang sakay ng isang magandang sasakyan, labis ang aking katauwaan ng makalabas sa ampunan. Buong akala ko ay magbabago na ang takbo ng aking buhay sa paglabas sa bahay na aking kinagisnan. Ngunit bakit,bakit mas sobra pa ang lupit na aking naranasan sa mga taong ang akla ko ay kaya akong iahon sa kamangmanangan. Maawa ka tulongan mo ako__Anne Gonzalis.
109.6K 조회수참여서재에 344회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Nadurog na Pagmamahal

Nadurog na Pagmamahal

Ang boyfriend ko ay forensic doctor. Nakidnap ako at may nakadikit na bomba—meron na lamang sampung minuto bago sumabog. Ang mga nagkidnap sa akin ay pinilit na tawagan ko ang boyfriend ko, pero napagalitan lamang ako. “Ano bang kailangan mo, Michelle? Anong pinaplano mo, ginagamit ang buhay mo bilang palusot dahil lang nagseselos ka?” “Ang pusa ni Vi ay hindi makuha mula sa puno ng tatlong araw na. Mahal niya ito na parang ang buhay nito ay buhay niya! Kung idedelay mo ako sa pagligtas dito, magiging mamamatay tao ka!” Nakarinig ako ng malanding boses sa kabilang dulo ng tawag. “Salamat para dito, Kev. Ang husay mo!” Nakilala ko ang boses na iyon—pagmamay ari ito ng childhood friend ng boyfriend ko. Tinext ko ang boyfriend ko ng sasabog na ang bomba. “Paalam habang buhay. Pinagdadasal ko na hindi na tayo magkita pang muli sa ibang buhay.”
3.2K 조회수참여서재에 80회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

Ako si Vera Mendoza, tatlumpu’t dalawang taong gulang, isang single mother na buong pusong lumalaban para sa anak ko. Matagal nang nawala sa buhay namin ang lalaking nangako noon ng pagmamahal—ang lalaking nakabuntis sa akin at iniwan akong mag-isang pasan ang responsibilidad. Dahil sa hirap ng buhay, napilitan akong iwan muna ang aking sanggol sa pangangalaga ng kapatid ko habang naghahanap ako ng trabaho sa Maynila. Akala ko, iyon na ang simula ng bagong buhay. Akala ko, sapat na ang sipag at tiyaga para makabangon kami ng anak ko. Pero mali ako. Sa unang araw ko bilang katulong sa isang marangyang mansyon, bumagsak ang mundo ko nang makilala ko ang anak ng aking amo. Siya si Draven Villareal. Ang lalaking minsang nangako sa akin ng habang-buhay… at ang lalaking sumira sa akin. “Nasaan ang baby mo?!” malamig niyang tanong habang nanlilisik ang mga mata. “Pinalaglag mo ba?” Napapailing akong umatras, pilit pinipigilan ang sakit na muling bumalik sa dibdib ko. “Please… layuan mo ako. Hindi ako pumunta rito para manggulo—” “Para ano?” putol niya, puno ng galit ang boses. “Para ipahiya ako sa parents ko?!” “H-Hindi gano’n! Mali ang iniisip mo!” nanginginig kong sagot. “Nagpunta ako rito para mabuhay ko ang anak ko… ang anak nating iniwan mo sa akin!” Ngunit bago pa man ako tuluyang durugin ng kahihiyan, isang boses ang biglang umugong sa buong sala. “So that’s the reason?” Lumingon kami pareho kay Savannah—ang magandang fiancée ni Draven. At sa gabing akala ko ay tuluyan na akong mawawasak, isang bagay ang hindi ko inaasahan. Ang ama mismo ni Draven ang tumayo para ipagtanggol ako. “Stop bullying your future stepmother!” Sa isang iglap, nabaligtad ang lahat. At paano kung ang tahanang pinasukan ko bilang katulong… ay siya palang magiging tahanan ko bilang bagong Mrs. Villareal?
9.83.2K 조회수연재 중서재에 111회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Just Like Cloud By Billionaire

Just Like Cloud By Billionaire

Sa mundo kung saan ang pangalan ay mas mahalaga kaysa pagkatao, natutunan kong magsuot ng maskara. Isang gabing nagkunwari akong kabilang sa mga mayayaman—hindi para manglamang, kundi para maranasan kahit saglit ang buhay na hindi kailanman naging akin. Ngunit sa gabing iyon, nakilala ko siya—si Jayden Ryan Fendi. Akala ko sandali lang ang lahat. Isang pagkakamali. Isang lihim. Isang hiya na lilipas din. Pero ang mga ulap ay hindi lang basta naglalaho. May mga bagyong kasunod. Nang mabunyag ang katotohanan, hindi lang reputasyon ko ang nawala—kundi ang tahanang tinawag kong pamilya, at ang pusong hindi ko sinasadyang ibigay. At habang unti-unti akong nawawala sa mundo niya, may mga lihim din pala siyang itinatago. Hindi pala ako ang unang nagsinungaling.
312 조회수연재 중서재에 10회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Forced Vows with the Possessive Tycoon

Forced Vows with the Possessive Tycoon

Ako si Lila, 18, akala ko normal lang ang buhay ko… hanggang sa pumasok siya sa buhay ko. Si Logan Hayes, 35, CEO, cold, ruthless, at sobrang possessive parang gusto niya akong i-claim lahat. Isang kontrata, isang kasal, at bigla na lang ako naging property niya. Todo ang kontrol niya sa akin sa galaw ko, sa isip, sa puso ko. Minsan natatakot ako, minsan hindi ko alam kung gustong-gusto ko rin ba. Pero isang bagay ang malinaw walang makakapaghiwalay sa akin at sa kanya.
280 조회수연재 중서재에 10회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Pinagtaksilan at Ikinasal

Pinagtaksilan at Ikinasal

Noong tinanong ako ng aking ama kung sino ang gusto ko pakasalan para sa kapakanan ng alyansa ng aming pamilya, iba ang pinili ko sa buhay na ito. Hindi ko na pinili si Leonardo Vittorio. Sa halip, pinili ko ang nakatatanda niyang kapatid, si Ivan Vittorio. Mukhang naguluhan ang ama ko. Alam nga naman ng lahat sa Chicago na lumaki kami ng magkasama ni Leonardo. Sampung taon ko siyang hinahabol. Bilang nakatatandang anak na babae ng pamilya Lucien, matagal ng nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng kanyang pangalan para sa listahan ng mga arranged marriage. Naniniwala na ang pagsasama namin ay nakatadhana. Habang inaalala ang nakaraan kong buhay, pinilit ko ngumiti ng mapait. Dati, pinakasalan ko si Leonardo tulad ng matagal ko ng hinihiling. Pero makalipas ang aming kasal, hindi niya ako ginalaw kahit isang beses. Ang akala ko may sakit siyang hindi niya masabi at nagpakahirap ako na pagtakpan siya. Sa ika-anim na anibersaryo ng aming kasal ko nalaman ng buksan ko ng hindi inaasahan ang kahadeyero niya. Sa loob, may maayos na litrato niya kasama ang ampon na babae na nagmakaawa ako sa ama ko na ampunin. Sa mga litratong iyon, may dalawang taong gulang na batang lalaki din–ang anak nila. Masaya silang pamilya ng tatlo. Doon ko napagtanto sa mga oras na iyon. Hindi sa may sakit siya. Hindi niya inisip na asawa niya ako. Para mapalayas ako, nagplano sila ng ampon kong kapatid para ako’y patayin. Ngayon at nabigyan ako ng ikalawang pagkakataon, pinili ko na ibigay sa kanila ang blessing ko. Pero noong naglakad ako sa simbahan suot ang aking wedding dress, habang nakapatong ang braso ko sa braso ni Ivan, pumasok si Leonardo bigla ng may dalang baril. Mukha siyang baliw at wala sa kontrol. “Madeline!” Paos ang boses niya at halos maputol. “Ang lakas ng loob mo?”
2.0K 조회수참여서재에 55회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Vows Of Vengeance

Vows Of Vengeance

snowflower
"Cleonne Marie Deigmen, do you accept Ashton Kleid Ditfreid as your lawful husband?" tanong ng pari habang nakatingin sa akin. Nakabibinging katahimikan ang umalingawngaw sa loob ng simbahan. Tila ba lahat sila ay takot na magsalita dahil alam nilang masama ang kahihinatnan niyon kung sakali. "I-I do..." garalgal ang boses ko na sumagot. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko habang nakatayo sa harap ng altar. Buong buhay ko, wala akong ibang pinangarap kundi magandang buhay para sa pamilya ko, at mahanap ang lalaking pakakasalan ko balang araw. Iyong lalaking makatatabi ko sa altar sa at kasama kong susumpa sa harap ng maykapal. Pero hindi ko akalaing ang araw ng kasal ko, ang siya ring magiging pinaka-masalimuot na araw sa buhay ko.... "I now pronounce you, husband and wife. Mr. Ditfreid, you may now kiss your bride." Ang panginginig ng buong katawan ko ay mas lalo pang nadagdagan nang sabihin iyon ng pari. Unti-unti ay humarap ako kay Ashton na seryosong nakatingin sa akin. Iniangat niya ang veil mula sa ulo ko at doon ko nakita ang mga mata niya. Hindi pagmamahal ang nakikita ko sa mga iyon, ang tanging nakikita ko lamang ay galit, poot, at paghihiganti. "You are mine now, Cleonne. At ito ang tatandaan mo, habang nabubuhay ako, hinding-hindi mo mararanasan ang salitang kaligayahan." bulong niya sa akin bago niya tuluyang ilapat ang labi niya sa mga labi ko. Magmula nang araw na iyon, alam kong ang buhay ko ay hindi na sa akin. Dahil magmula nang araw na iyon ay nakatali na ako sa lalaking hindi ko naman mahal, sa lalaking walang ibang gustong gawin kundi ang makapaghiganti sa akin, at iyon ay walang iba kundi si Ashton Kleid Ditfreid.
102.1K 조회수연재 중서재에 50회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
Pregnant For The Bully

Pregnant For The Bully

**Madilim na Romansa** Mahirap ang pagiging bagong estudyante. Si Mary ay mahiyain, introvert, at mas gusto ang mapag-isa sa kanyang mga libro kaysa sa mga tao. Ngunit sa kanyang bagong paaralan, nag-iba ang lahat nang mapansin siya ng mga maling tao. Nakuha niya ang atensyon ng bad boy ng paaralan na nagsimulang mang-uyam at mangutya sa kanya. ***** Nilaro ko ang aking mga daliri habang nakatitig siya, hindi siya tumigil sa pagtitig at nahihirapan akong makipag-eye contact sa kanya. Ang kanyang titig ay nagpaparamdam sa akin ng hindi komportable. Hindi ko maiwasang magtaka kung ano ang ginagawa niya rito nang mag-isa. "Mary Davies," bulong niya sa pangalan ko. "Virgin ka pa rin ba?" Nakangisi niyang tanong. "Hmmmn... Hindi nagalaw. Inosente. Tulad ng matagal ko nang pinapangarap." Bulong niya, habang dinadaan ang isang daliri sa aking collarbone. "Mag-eenjoy ako nang husto kasama ka," bulong niya ulit, habang hinahalikan ang aking earlobes. "Ang saya-saya." Dagdag niya, habang lumalayo sa akin. Nagsimula siyang maglakad patungo sa pinto. "Magkikita tayo mamayang gabi."
3.2K 조회수참여서재에 75회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
The Price of Her Love After Divorce

The Price of Her Love After Divorce

“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
9.99.6K 조회수연재 중서재에 240회 akala ko habang buhay tayo로 추가됨
보기
+보관함
이전
1
...
56789
...
50
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status