Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]

Kapag Ako Ay Nagmahal [Book 2]

Vernice Zhōu- Isang babae na may pusong lalaki, isang anak na naghahangad ng attention mula sa kanyang ama. Isang tao na labis na kinasusuklaman ng kanyang angkan dahil sa pagiging babae nito. Naging nobya niya ang kababata na si Marjorie at halos buong buhay niya ay inilaan sa nobya. Isang matinding kasawian ang natamo ni Vernice ng matuklasan na niloloko siya nito at pumatol ito sa totoong may sandata. Sadyang malupit ang mundo para kay Vernice dahil pagkatapos siyang lokohin ng girlfriend ay natuklasan niya na ipinagkasundo siya ng kanyang pamilya sa isang mayaman na negosyante, bilang kabayaran sa utang ng pamilya at anya upang mawala ang kamalasang idinulot niya noong isilang siya sa mundo. Kung kailan handa na sanang tanggapin ni Vernice ang kasal ay saka naman nangyari ang hindi inaasahan. Isang gabing pagkakamali na siyang sisira sa marriage agreement ng kanyang pamilya sa pamilyang Hilton at siguradong tuluyan na siyang itatakwil ng kanyang angkan…
Romance
1017.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Pangarap na Kasama Ka

Pangarap na Kasama Ka

Remelia Alvarez, isang babaeng malaki ang pangarap sa buhay kaya ginawa niya ang lahat para lang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Kahit na anumang paghihirap at pagsubok aang dumating sa buhay niya, hindi siya nawalan ng lakas ng loob para maabot ang pangarap niya.
Romance
5.53.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Kahit Ayaw Mo Na

Kahit Ayaw Mo Na

“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
Romance
1040.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Pag-ibig na Naiwan

Pag-ibig na Naiwan

Mahal ni Helena Pearl Larson si Moises Floyd Ford mula pa pagkabata. Kaya nang ipilit ng kanyang ama ang kanilang kasal, agad siyang pumayag—kahit alam niyang hindi siya gusto ni Moises. Dalawang taon niyang isinakripisyo ang sarili, ipinaglaban ang pagmamahal, at umasa na balang araw ay mamahalin din siya nito. Ngunit isang araw, winasak ni Moises ang lahat. "I want a divorce, Helena Pearl. I don't want you in my life." Ilang taon ang lumipas, bumangon si Helena Pearl bilang isang matagumpay na siruhano—malaya, malakas, at handa nang kalimutan ang lahat ng sakit. Hanggang sa muli siyang harapin ng taong minsan ay nagdurog ng kanyang puso. "Doctor Helena Pearl… I need your help." Malamig ang kanyang sagot. "Ano ang problema mo, Mister Floyd Ford?" At sa mga mata nitong puno ng sakit, bumulong siya: "My heart is broken… and only you can heal it." Ngayon, haharapin ni Helena Pearl ang pinakamahirap na operasyon ng kanyang buhay—ang desisyon kung muli ba niyang bubuksan ang puso niya para sa lalaking minsan nang tumanggi sa kanya?
Romance
377 viewsOngoing
Read
Add to library
Pag-Ibig na Napadaan

Pag-Ibig na Napadaan

“Sigurado ka na gusto mo palitan ang pangalan mo, Ms. Anderson? Kakailanganin mo palitan ang degree certificate mo, documentation, at passport sa oras na gawin mo ito.” Tumango si Noelle Anderson. “Sigurado ako.” Sinubukan siyang kumbinsihin ng empleyado. “Hassle para sa mga matatanda na palitan ang pangalan nila, at maganda naman ang kasalukuyan mo na pangalan. Sigurado ka ba na ayaw mo itong pag-isipan?” “Hindi, napag-isipan ko na ito.” Pinirmahan niya ang form. “Pasensiya na sa abala.” “Sige, kung ganoon. Ang pangalan na ipapalit mo… ay Aria Byrd, tama?” “Oo.” Aria Byrd–ibig sabihin paglipad sa kalayaan.
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Mahirap Balikan ang Kahapon

Mahirap Balikan ang Kahapon

"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Nang Magmakaawa ang CEO

Nang Magmakaawa ang CEO

"Miss Summers, sigurado ka bang gusto mong burahin ang lahat ng iyong identity records? Kapag nabura 'to, parang hindi ka na nag-exist, at walang makakahanap sa iyo." Nagpahinga si Adele nang sandali bago tumango nang mariin. "Oo, 'yon ang gusto ko. Ayoko nang hanapin ako ng sinuman." May bahagyang pagkagulat sa kabilang linya, ngunit agad silang sumagot, "Naiintindihan ko, Miss Summers. Ang proseso ay tatagal ng mga dalawang linggo. Mangyaring maghintay nang may pasensya."
Short Story · Romance
3.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Akala ng Sekretarya ay Kabet Niya Ako

Akala ng Sekretarya ay Kabet Niya Ako

Sa wakas ay nabuntis na ako pagkalipas ng tatlong taon ng kasal. Papunta na ako sa asawa ko bitbit ang baong tanghalian sa kamay ko para sabihin sa kanya ang magandang balita. Pero napagkamalan akong kabet ng kanyang sekretarya. Itinapon ng babae ang pagkaing ihinanda ko sa ulo ko, hinubaran ako, at patuloy akong hinampas hanggang sa malaglagan ako. “Katulong ka lang. Ang lakas naman ng loob mong akitin si Mr. Gates at ipagbuntis ang anak niya? “Ngayon, sisiguraduhin kong pagdurusahan mo ang mga kahihinatnan ng pagiging kabet!” Pagkatapos ay pinuntahan niya ang asawa ko para manghingi ng gantimpala. “Mr. Gates, sinuway ko na ang katulong na gustong mang-akit sa’yo. Paano mo ako gagantimpalaan?”
Read
Add to library
Ang Debut Ng Socialite

Ang Debut Ng Socialite

Matapos mag-graduate ng socialite training course, ang aking kapatid na babae ay nanumpa na magpakasal sa isang mayamang pamilya. Upang lumikha ng mga pagtatagpo kay Pierce Holden, ang prinsipe ng mga socialite, ang kapatid ko ang nagmaneho ng aking kotse, na gustong i-tailgate si Pierce at bumunggo sa sasakyan nito. Tinapakan ko ang preno at sinabi sa kapatid ko na hindi tanga ang mga Holden. Hindi namin kayang bayaran ang sasakyan ni Pierce, kahit na isuko namin ang lahat ng mayroon kami. Pagkatapos, nagkaroon si Pierce ng isang marangyang kasal na ikinagulat ng bansa. Nababaliw na ang kapatid ko sa selos, sinabing siya na sana ang bride kung hindi dahil sa pagpigil ko sa kanya noon. Dahil sa sama ng loob, binunggo niya ang kanyang sasakyan sa akin at pinatay ako. Nang muli kong imulat ang aking mga mata, nakita ko ang aking sarili sa front passenger seat. Kumpiyansa na ngumiti si ang kapatid ko, napako ang tingin niya sa mamahaling sasakyan sa harapan namin. "Sigurado akong mabibighani sa akin si Pierce kapag nakita niya ako. Hindi ko na kailangan magmaneho ng isang basura na ganito kapag nakasama ko na siya." Ngayon naman, hindi ko na siya pinigilan. Tinapakan niya ng madiin ang pedal ng gas, na naging sanhi ng pagbangga ng kotse laban sa sports car na may presyo na napakalaking halaga ng pera.
Short Story · Rebirth
818 viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
7891011
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status