Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Dangerous Seannah

Dangerous Seannah

COFFEREIMXTR
Lumaki sa mayaman na pamilya. Kilala bilang isang Royal Family. Kilala si Seannah, bilang isang Royal Princess dahil sa pagiging mafia ng kaniyang mga magulang. Ang inaakala ng lahat na magandang buhay na mayroon si, Seannah ay malaking kabaliktaran pala sa totoong buhay. Inakala rin ng lahat na isang mahina at isang walang kwenta si, Seannah. Ngunit ang hindi nila alam ay may malaki pala itong sikreto na tinatago at kaunti pa lamang ang nakakaalam. Isang sikreto na magpapagulat sa lahat at kahit sa sarili niyang angkan.
Mystery/Thriller
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Her Sweetest Revenge

Her Sweetest Revenge

Si Miguel Delgado ay isang lalaking mayaman at makapangyarihan, ngunit sa kabila ng kanyang marangyang buhay, isang simpleng dalaga ang bumihag sa kanyang puso—si Celeste Arevalo. Sa kanilang bawat pagkikita, ipinakita ni Miguel ang kanyang kabaitan at wagas na pagmamahal kay Celeste. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Celeste na siya ay mahalaga, na siya ay minamahal nang totoo. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay hindi ipinagkaloob ng tadhana nang matuklasan ni Celeste ang lihim na itinago ni Miguel—may kasunduan ang pamilya nito na ipakasal siya sa anak ng isang mayamang pamilya. Para kay Miguel, wala itong halaga dahil ang tanging mahal niya ay si Celeste, ngunit para kay Celeste, ang balitang ito ay isang taksil na sugat sa kanyang puso. Durog at naguguluhan, umalis si Celeste, iniwan si Miguel at ang mga alaala ng kanilang pagmamahalan. Sa kanyang paglayo, ipinangako niya sa sarili: babalik siya bilang isang taong hindi na mahina at hindi na muling masasaktan. Ang dating mahinhin at maamo niyang puso ay napalitan ng galit at paghihiganti. Ngunit kapag muli silang nagkrus ng landas, matutupad kaya ni Celeste ang kanyang pangakong ipaghiganti ang sarili? O muling aapaw ang tunay niyang damdamin para kay Miguel? Sa pagitan ng pag-ibig at galit, sino ang tunay na mananalo?
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
My Favorite Mistake

My Favorite Mistake

Hindi makapaniwala si Rhian Monleon na naibigay niya ang kanyang sarili sa lalaking hindi naman niya kilala sa unang gabi ng kanilang pagkikita. Umuwi siya ng Pilipinas dahil kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya inaasahan na makikilala niya si Logan Montereal. Ang lalaking naka-One Night Stand niya. Nagpasya si Rhian na bumalik agad ng Spain dahil iba ang kutob niya sa kanyang nobyo. Gusto rin niyang aminin sa kanyang nobyo ang nagawang niyang pagkakamali. Sa kanyang pagbabalik ano kaya ang matutuklasan niya? Magkikita pa kayang muli sila Rhian at Logan?
Romance
1085.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Nang Namulat Ang Kanyang Mata

Dahil sa bankruptcy ng kanyang ama, sapilitang ipinakasal si Avery Tate ng kanyang stepmother sa isnag bigshot. Ngunit may catch-ang bigshot na ito ay si Elliot Foster- na kasalukuyang commatose. Sa mata ng lahat, ilang araw nalang ang nalalabi at magiging balo na siya at palalayasin din ng pamilya. Pero parang nagbibiro ang tadhana nang isang araw bigla nalang nagising si Elliot.Galit na galit ito nang malaman ang tungkol sa arranged marriage at pinagbantaan siya nito na papatayin nito kung sakali mang magka anak sila. “Ako mismo ang papatay sa kanila!”Pagkalipas ng apat na taon, muling bumalik si Avery sakanilang lugar, kasama ang kanilang fraternal twins - isang babae at isang lalaki. Itinuro niya ang mukha ni Elliot sa TV screen at sinabi sa mga bata, “Wag na wag kayong lalapit sa lalaking yan. Sinabi niyang papatayin niya kayo.” Noong gabing ‘yun, nahack ang computer ni Elliot at may humamon sakanya - isa sa mga kambal- na patayin sila. “Hulihin mo ako kung kaya mo, *sshole!”
Romance
9.71.1M viewsCompleted
Read
Add to library
A Night with a Stranger

A Night with a Stranger

Isang salita para ilarawan si Leah Olaer: Mataba. At dahil sa kanyang matabang katawan, nagtaksil ang kanyang fiancé na si Kyle at ang babaeng pinagtaksilan siya ay tinawag siyang ugly fat duckling. Hindi lang puso niya ang nasaktan kundi pati ang pride niya bilang isang babae. Kaya naman nang gabing nalaman niya na niloloko lang siya ng kaniyang fiancé, pumunta siya sa isang bar at nilunod niya ang sarili sa alak. That night, Leah was so down, hurt, in pain and depressed, then she came across Achilles Williams. Ang gwapong lalaki na walang kahihiyang hinalikan siya sa harap ng maraming tao. Sa sobrang kalasingan niya, naulit ang halik na nauwi sa mainit na pagtatalik. Saka lang niya narealize na mali ang ginawa niya ng magising siya kinabukasan at wala na ang kalasingan niya. So Leah did the most reasonable thing to do. Tumakas siya. At napatunayan ni Leah na ang kasabihang 'Kahit anong iwas mo, ang kapalaran ay hahabulin ka.' Dahil kahit saan siya tumakbo, naroon si Achilles at naghihintay sa kanya para akitin siya. Maniniwala ba siyang iba si Achilles sa manloloko niyang fiancé? Hahayaan ba niya ang puso na mahalin ang isang makisig at guwapong lalaki na alam niyang hindi bagay sa kagaya niyang ugly fat duckling? O babaguhin niya ang sarili niya para maging bagay siya rito?
Romance
65.1K viewsCompleted
Read
Add to library
LOVE ME AFTER MARRIAGE

LOVE ME AFTER MARRIAGE

MATECA
Dahil tutol si Shan na ipakasal siya ng kanyang madrasta sa matandang mayaman na pinagkakautangan ng malaki nang namayapa niyang ama kaya tumakas siya sa bahay nila. While escaping she is almost hit by a car. But luckily, a dazzling lights that comes out from inside her bag saved her life before she fainted. Nang pagbalikan siya ng malay ay natuklasan niyang nasa loob na siya ng paborito niyang komiks kung saan kamukha niya ang piping anak ng isang ministro sa palasyo na nakatakdang ikasal sa prinsipe ng kahariang iyon na kilala hindi lamang sa pagiging matapang kundi maging sa hitsura nitong nakakatakot. Shan has no choice but to marry the prince. Despite of their differences they learn to trust and love each other in the process. Ngunit paano kung matuklasan ni Prinsipe Cane ang isang katotohanan tungkol sa pagkatao niya na hindi nito kayang tanggapin? May forever ba para sa kanilang dalawa ni Prinsipe Cane gayong magkaiba sila ng mundo at hindi naman siya forever na mananatili sa mundong iyon?
Fantasy
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Lusift Series 1: Empire of Obsession (RATED)

Secrets, seduction, and the darkness within. Sa likod ng bawat halik at yakap, may mga kwentong hindi sinasabi—mga lihim na naglalantad ng tunay na kahulugan ng pagnanasa at kapangyarihan. Ang Lustful Series ay koleksyon ng iba’t ibang kwento ng pag-ibig, kasakiman, at panganib—mga kwentong magpaparamdam ng init, gigil, at kilabot sa bawat pahina. Mula sa mga relasyong bawal, hanggang sa mga damdaming hindi maamin, at sa mga lihim na kayang sumira o magligtas ng buhay—ihanda ang sarili sa seryeng puno ng tensyon, tukso, at misteryo. Sa mundo ng Lustful Series, walang kasiguraduhan kung saan hahantong ang bawat uhaw na puso.
Romance
1015.1K viewsOngoing
Read
Add to library
When Love Takes Over

When Love Takes Over

Heaven Abby
“I never believed in love and marriage. But when I set my eyes on you, everything changed. For without blinking an eye, I fell in love with you…” TEASER Nang dahil sa sugat na idinulot ng ama ni Dannah sa buhay-pamilya nila, nagkaroon ng lamat sa puso at damdamin niya. She vowed never to fall in love and be committed to any man. Natatakot siyang makahanap ng isang lalaking katulad ng kanyang ama na iniwan ang sarili nitong pamilya para sa babaeng gusto nitong makasama. Till such a moment came na hiniling ng kanyang butihing-ina ang isang apo mula sa kanya. She’s the only daughter and she loved her mom very much para ipagkait dito ang simpleng bagay na alam niyang makapagpapaligaya rito. Sa tulong ng kaibigang si Sandy ay nakahanap siya ng lalaking handang mag-“donate” ng sarili nitong “semelya.” Iyon ay si Gunther de Guzman! Tila nakiayon naman ang tadhana, for Gunther only desired sex without commitment and love. On her part, she only yearned for a baby without having a husband. Iyon ang bagay na nagbuklod sa kanila. Kaya naman they’ve shared one-night stand together. Okay na sana ang lahat para kay Dannah sa pag-aakalang iyon na ang kahuli-hulihan nilang pagkikita. Subalit ang hindi inaasahan ng dalaga ay ang pagbabago ng isip ng binata. “I want to have the custody of my child, Dannah. Kahit saang husgado ay lalabanan kita!”
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
GUARDED BY A MAFIA ( MAFIA SERIES 5)

GUARDED BY A MAFIA ( MAFIA SERIES 5)

WARNING ⚠️ READ AT YOU OWN RISK..!! SOME SCENES CONTAINS WORDS THAT IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS..!! Nagising ka sa katotohanan na hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo. Paano kung sa pagdaan ng mga panahon ay may makikilala kang isang tao na naging parte ng nakaraan mo? Paano kung ikaw ang nakatalagang magbantay sa kan'ya? Paano mo gagawin iyon kung ang sarili mo ngang puso ay hindi mo nababantayan at nagising ka na lang na hulog na hulog ka na sa kan'ya?
Romance
1065.7K viewsOngoing
Show Reviews (48)
Read
Add to library
Girlie Soliman Mariano
grabe ito talagang storya ni Red ang gusto ko basahin kasi naguluhan ako nung nakabasa Ako ng second generation bakit parang wala pamilya o anak man lng na nabanggit si autor na anak ni Red? Saka kanino ba ank ung kambal na biaca at Brent?
Analyn Bermudez
ung hinahanap ko story Nina ace at Luke Ms Author haha nakakaadik magbasa mga sinusulat mo Ms Author my gosh libangan ko bilang Isang nanay na nkakastress sa araw araw na Gawain sa loob Ng bahay hahaha...salamat sa mga story mo
Read All Reviews
HOLD ME, EX-CONVICT

HOLD ME, EX-CONVICT

Maraming lalaki ang naghahangad sa isang Yesha Calixtro dahil sa angkin niyang ganda. Ngunit paano nga ba siya magmamahal sa mga lalaking katulad lang din niya? Isang babaeng walang pera, at ang lahat ay kailangang idaan sa dasal. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na kung pipili siya ng lalaking makakasama habang buhay kahit hindi niya mahal ay iyong may pera at kaya siyang iahon sa hirap. Paano nga ba kung makilala niya si Shawn Rios na isang taong mapera, kayang ibigay ang lahat. Ngunit sa kabila niyon ay ang isang madilim nitong sekreto. Ano ang gagawin ni Yesha kung malalaman niyang isa itong Ex-Convict?
Romance
8.524.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status