Tainted Series 9: The Billionaire's Regret
"Nakikiusap ako sayo, Knight, bilang ina ng anak mo, bilang dating Samantha na minahal mo, lumaban ka. Parang awa mo na lumaban ka. Maraming nagmamahal sayo. Ang Mommy at Daddy mo, isipin mo sila. Anong mangyayari sa kanila kapag bumitaw ka? Si Knoxx...u-umiiyak si Knoxx, hindi niya alam kung paano mabuhay kung mawala ka. Maawa ka sa kakambal mo. Ang mga kaibigan mo, andun sila sa labas, umiiyak. Lahat sila Knight umaasa at naghihintay sayo."
"Ang mga kapatid ko lalo na ang Kuya Joe, alam kong nagsisisi siya at binugbog ka niya pero kapag hindi ka lumaban bubugbugin ka nun ulit. Ang Kuya Sandro ko, tahimik lang yun pero alam ko na umaasa yung lalaban ka dahil hindi pa siya tapos sayo.
Andya
Hot Chapters