กรองโดย
กำลังอัปเดตสถานะ
ทั้งหมดยังไม่จบจบแล้ว
จำแนกโดย
ทั้งหมดเป็นที่นิยมที่แนะนำคะแนนการอัปเดต
Love you still

Love you still

Meowpyyyyy
Love makes the world go round, sabi nila. Pero iba para kay Alexena dahil pinatigil nito ang isang bahagi ng buhay at pagkatao niya. Kahit na dala ang sakit ng kahapon ay pinili niyang mag-move forward at ngumiting muli upang ipagpatuloy ang buhay. Ngunit pagkatapos umalis nang walang paalam makalipas ang ilang taon ay hindi niya kailanman inakalang maglalaro ang tadhana at pagtatagpuing muli ang kanilang landas ng nag-iisang lalaki na kanyang minahal at iniwan sa nakaraan. Pero nagbago na ito, wala na ang bakas ng pagkatao ng lalaking kanyang nakasama noon. Wala na ni anino ng suyo kapag tinatapunan siya nito ng tingin at lambing sa tinig kapag kinakausap siya. Sa halip ay puro pang-iinsulto at masasakit na salita na lamang ang lumalabas sa bibig nito sa tuwing bubuka iyon. At ang nakakaloka pa ay napapansin niya na palagi na lang siya nitong pinag-iinitan at pinepersonal. Palagi ring iritado at akala mo ba ay may buwanang dalaw sa sungit. Aminado naman siyang may malaki siyang kasalanan dito. At mukhang dumating na rin ang panahon ng paniningil nito, ayaw man niya ay kailangan niyang magbayad. Ngunit sa kabila ng mga iringan nilang dalawa at hindi pagkakasundo ay hindi maikakailang ito pa rin ang nag-iisang tao na may kakayahang patibukin nang mabilis ang puso niya. Akala niya ay okay na siya, akala niya ay naka-move on na siya rito. Pero mukhang mali ang lahat ng naging paniniwala niya dahil tutol man ang isip niya sa kanyang nararamdaman ay sadya namang may pagkatraydor, suwail at balimbing ang puso niya basta pagdating na rito ang usapan. Love is sweeter the second time around, maging applicable naman kaya ang kasabihang iyon sa dalawang ito? O sa halip na maging matamis ay baka naman pait ang malasahan at maging kapalaran ng mga ito sa dulo?
2.5K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 93 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
STEEL, MY LOVE...

STEEL, MY LOVE...

TALACHUCHI
Si Steel Reynandez ay kilala bilang ang MVP ng Miamiranda University. He was adored by many, not only because of his skills under the basketball ring, but also because of who he was. Maraming mga babae ang nagkakagusto rito dahil sa pagiging misteryoso nito. He was quiet, cold, and had no interest in women. He was basically an introvert who happened to be a skilled basketball player. Kung wala ito sa ilalim ng ring ay nagtatago ito sa madilim nitong silid. But that would soon change. Thanks to Kennary. Si Kennary ay anak ng labandera ng pamilya ni Steel, at malaki ang pagkakagusto nito sa binata. She was a top 1 student in her class and had big dreams for the future. Nagkaroon ito ng pagkakataong makuha ang cellphone number ni Steel dahilan kaya nagagawa nitong padalhan ng mga mensahe ang binata na noong una'y ikinapipikon pa nito. But eventually, Steel would get used to Kennary's existence and they would become regular text mates. Napansin ng ama ni Steel ang malaking pagbabago ng karakter ng binata, at noong nalaman nitong si Ken-Ken ang dahilan ay ni-kombinsi nito ang dalagang tanggapin ang part-time job bilang personal assistant ni Steel. In return, Steel's father would finance her college education. Ito na ba ang pagkakataon ni Kennary upang maging malapit sa iniirog? Mapapaamo ba nito at mapalalambot ang matigas na puso ng binata? And... would she and Steel go beyond text mates?
1.4K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 42 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
My First Love

My First Love

carmiane
Am I ready to be in love? Am I ready to sacrifice myself? Handa na ba ako sa mga mangyayare kapag sinabi ko sa kaniya na mahal ko siya? Paano kung hindi niya ako mahal? Paano kung wala naman siyang nararamdaman para sa akin ano ang gagawin ko? Deserve niya ba ako? Hindi ako para sa kaniya. Kaya titignan ko na lang siya na masaya sa ibang babae na kayang ipagtanggol at mahalin siya ng lubusan.
4.4K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 140 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Love Between Lies

Love Between Lies

Ang buong akala ni Hikkary ay wala nang katapusan ang ligaya sa piling ng pinakamamahal na kasintahang si Zayden, ngunit nagkamali siya dahil nagwakas iyon nang malaman niyang pareho sila ng kanyang matalik na kaibigan ng lalaking minahal. She painfully ended their relationship and sacrifice her happiness just to please her best friend. Sa lahat ng desisyon na nagawa niya, iyon na siguro ang pinakamahirap at pinakamasakit— ang magparaya para sa kasiyahan ng taong itinuturing niyang pamilya. Ngunit hanggang saan siya pwedeng magparaya? Hanggang saan siya magsisinungaling sa totoong nararamdaman niya? Titikisin na lang ba niya ang sariling damdamin para sa kasiyahan ng iba?
1015.4K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 540 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Begging for Love

Begging for Love

Blurb: Mariemar Martinez isang simpleng dalaga na puno ng pangarap sa buhay. Ngunit sa kabila ng taglay na kabutihan at ganda isa sa pangarap ng dalaga ay mahalin ng pamilyang kinabibilangan n’ya. Handa si Mariemar gawin ang lahat makamit lang ang pagtanggi sa pamilyang ni minsa’y hindi siya binigyang halaga. Maging lahat ng kanyang mga ginawa at nagagawa. Hanggang saan kayang ibigay ni Mariemar ang pag ibig na wagas para sa pamilya at sa lalaking natutunan na ng puso n’yang itanggi kahit pa sa una palang ay binawalan na siya at naitinala na sa kasunduan na walang pupuntahan ang pag-ibig na yun?. Mahahanap ba ni Matiemar ang daan para makalaya ang puso n’ya sa sakit at makamit nga kaya ang matagal n’yang ninanais?. Arthes “Azul” Hermoso bunsong anak ni Hayes Hermoso at si Sharina Hermoso taliwas sa isang anak ng mag asawang Hermoso ang gawi ni Arthes. Isang malamig at walang buhay na binata na ito mag mula ng iwan ng nobya na Erra Marco dahil sa mga isyu at pangarap sa buhay. Noon ay isang playful at buhay na buhay ang isang Azul ngunit dadalhin si Azul sa isang kasunduan na mas magbibigay ng gulo sa isip, puso at buong sistema niya. Gagawin ni Azul ang lahat upang mabawi si Erra sa kahit anong paraan para sa isang Azul ang naka plano na noon pa ay kailangan maisakatuparan kaya walang puwang ang bagong damdamin.Pipiliin kaya ni Azul ang paninindigan o susundin niya ang tunay na nararamdaman?. Mababago ba ng pagdating ni Mariemar ang matagal ng plano o mananatiling nanlilimos lamang ng pag ibig ito?. Samahan natin ang isa sa mga anak ng mag asawang Hermoso. Mahanap kaya nina Arthes at Mariemar ang ligaya na tulad ng tinatamasa nina Sharina at Hayes?
107.9K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 251 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Love or Die

Love or Die

Danixxie_
Love is something that everyone wanted.It makes someone special, loved, and happy.Sobrang sarap sa pakiramdam ng salitang LOVE, yung feeling na lagi ka daw nasa ulap kapag in love ka.But what if I told you that Hannah Kim, a 21 years old girl destined to choose either she love or someone special to her will die.Kung ikaw si Hannah, anong pipiliin mo? Love or....Die?? Love or Die Written By: Daniexxie_
ตอนยอดนิยม
1.3K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 32 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Not Ordinary Love

Not Ordinary Love

Hindi plano ni Alexie Kim Padilla na magmahal ulit. After being cheated on by her ex-boyfriend, she promised herself one thing—no attachments, no expectations, no pain. Kaya nang lumipat siya ng network, ang goal niya lang ay magsimula ulit at iwan ang lahat ng nakaraan. Pero isang banggaan sa hallway ang magpapabago ng lahat. Doon niya nakilala si Emmanuel Villa—gwapo, charming, at… hindi pala straight. Parte siya ng LGBTQ+ community at may boyfriend na rin. Sa unang tingin, alam na ni Alexie—hindi pwede. Pero bakit parang ang hirap umiwas? Habang tumatagal, mas nagiging malapit sila sa isa’t isa. From simpleng tulong, naging comfort, hanggang sa maging sandalan sa mga sakit na pareho nilang tinatago. Pareho silang nasaktan, pareho silang takot… pero pareho ring unti-unting nahuhulog. Hanggang sa dumating ang moment na kailangan nilang tanungin ang sarili nila—kaya ba nilang sugalan ang isang bagay na alam nilang komplikado? Isang relasyon na walang label. Isang pag-ibig na bawal. At isang katotohanan na mahirap tanggapin. Nang masira ang lahat dahil sa isang pagkakamali, mapipilitan silang harapin ang tanong na matagal nilang iniiwasan— Kung ang pag-ibig ay hindi ordinaryo… karapat-dapat pa rin ba itong ipaglaban? Sa mundong puno ng judgment, expectations, at takot—pipiliin ba nila ang isa’t isa? O hahayaan na lang nilang maging isang alaala ang lahat?
103.7K viewsจบแล้วถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 112 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Memory Of Love

Memory Of Love

Tearsxme
Pangarap ni Angge ang titingalain ng ibang tao kaya ipinagkalat niya na boyfriend niya ang isang low-profile businessman na si Rhodly James Smith at nang malaman ni Rhodly ang tungkol sa bagay na 'yon ay galit ang kanyang nararamdaman para sa dalaga kaya pinuntahan niya ito sa tinatrabahuan nito upang pagalitan at suklaman pero papaano na lamang kung sa unang beses na magisnan niya ang kagandahang taglay ng dalaga at ang matamis nitong ngiti ay bibihagin nito ang pihikan niyang puso? Maisasagawa pa kaya niya ang kanyang binabalak? Papaano naman haharapin ni Angge ang kaparusahan sa kanyang nagawa? May matamis kayang pag-iibigan ang mabubuo sa kanilang pagitan?
104.8K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 105 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Mafia Boss' Love

Mafia Boss' Love

Author Nov
She doesn’t want to get married because she thought men are all jerks. He was cheated and betrayed many times by love. Women are just after his money. What if this two-person met? What will happen then? Will there be a swirling romance or would they stick on what they are believe? *** Valerie had a broken family. Her mother was beaten to death by her father. Her father died because of illness. She was the only child of the family and was left alone. She studied hard, work hard until she established her own restaurant. She doesn't want to get married because she thought that all men are the same. Bisyo, babae, sugal at marami pang iba. Iyon ang akala niya, kaya naman sumailalim siya sa tinatawag nilang Artificial Insemination na kung saan ay nagtagumpay siya at nabuntis. Ayaw niyang magpakasal kaya naman ganito ang naisipan niyang solusyon para may makasama siya sa buhay at may mag-alaga sa kaniyang pagtanda niya. Pero hindi niya inaasahan na makikilala niya ang isang lalaki na nagpakita ng pagpapahalaga sa kaniya. Valerie vowed to herself that she would never love anyone beside herself and her baby but fate seems playing a trick because she fell into a man who showed love and care to her. Would she believe him? Or would she rather choose to stay single for the rest of her life with her baby? What will Valerie choose if the man who showed care and love to her is actually isn't what she thinks he is because he had a deep secret that no one should ever know? Handa bang isugal ni Valerie ang lahat upang sundin ang tinitibok ng kaniyang puso?
2.3K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 49 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
Vengeance of Love

Vengeance of Love

Heaven Abby
"I love you. I don't know how and why. I just felt it like a star that swiftly falls from the sky..." TEASER Naipangako ni Zalheia na pagbabayarin niya ang walanghiyang lalaking sanhi nang maagang pagkamatay ng nakababata niyang kapatid na si Rebecca. Lalaking minahal nito nang sobra subalit iniwan lamang nang mabuntis na. Iyon ay walang iba kundi si Lowell Morgan Cordova! Makalipas ang ilang buwan matapos mailibing si Rebecca ay nagkakilala sila ng taong pakay niya. Doon nabuo ang plano niya—planong paibigin ito, paglaruan, iwan at saktan! Nakiayon naman ang tadhana sapagkat ang isang Cordova ay halos maglumuhod at sambahin siya. Dahil doon ay lihim na nagbunyi ang pagkatao niya—makakaganti na siya sa sinapit ng kapatid niya. Subalit nang mga panahong handa na niyang isakatuparan ang lahat ay saka naman sumambulat ang nakakubling katotohanan na kahit na kailan ay hindi niya inaasahan...
101.3K viewsยังไม่จบถูกเพิ่มไปยังห้องสมุด 49 ครั้งในชื่อ ano ba ang love
อ่าน
+ห้องสมุด
ก่อนหน้า
1
...
2122232425
...
50
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status