Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Rekindled Romance After Divorce

Rekindled Romance After Divorce

Nasagad na ang pasensya ni Everly Golloso sa asawa niya ng tatlong taon na si Roscoe De Andrade nang mahulog siya sa pool kasama ang lantarang sidechick nitong si Lizzy Rivera. Dala ng nag-uumapaw na sama ng loob sa nangyari ay walang ngimi na pinirmahan ng babae ang divorce agreement nila. Nag-alsabalutan siya at tuluyang iniwan ang kanilang villa. Ngayong malaya na si Everly at kaya na niyang gawin ang lahat ng gusto niya, doon naman matatauhan si Roscoe na maghahabol; ang asawa ni Everly na tanging pagtanaw lang naman ng utang na loob ang dahilan para manatili sa tabi ni Lizzy. Utang na loob na hindi naman dapat sa babae ang credit kung hindi ay kay Everly. Sa panibagong yugto at realization ni Roscoe, paano niya ibabalik sa dati ang pagmamahal ni Everly? Mabayaran ba ang lahat ng hirap at mga sakripisyo niya sa bandang huli?
Romance
1016.4K viewsOngoing
Show Reviews (10)
Read
Add to library
Snobsnob
Magkahilatsa talaga ng character tong si Roscoe at Oliver eh. Mga cheater bwicit hahaha. Ang layo-layo niyong dalawa sa kalingkingan ni Gavin. Napakabagal pa ni author pahirapan si Roscoe kainis. Umay na umay na ako puro na lang sina Roscoe at Lizzy laging magkasama.
Purple Moonlight
Hi, Gorgeous Readers! Bagong magiging stress natin araw-araw, joke lang. Review, comments, subs and gems and gifts are highly appreciated. Maraming salamat na agad sa walang sawa niyong suporta! ヾ⁠(⁠˙⁠❥⁠˙⁠)⁠ノ
Read All Reviews
His Dearest Substitute Wife

His Dearest Substitute Wife

Irish Mendes is a well known therapist and also a care giver in their province, she knows acupuncture and herbal medicine too because of her neighbor. Then One day, her mother suddenly called her. Pinapapunta sya neto sa Mansyon nang bago netong pamilya, pinasundo pa nga sya neto. Maybe narealize na neto na kailangan nyang magpakananay sakanya. What? Marriage? Anong kasal? with my Step sisters fiancé!? Baliw na ba sya? Tatanggapin kaya nya eto? Ano kaya ang magiging kapalaran ni Irish. Will her mother loves her if she obey her? Pano na ang step sister nya? bakit sya ang pinapakasal? Ano kayang magiging reaksyon nang lalaking papakasalan nya?
Romance
1019.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Underground Society: Love On The Brain

Underground Society: Love On The Brain

Eu:N
Nalaman ni Araceae na buhay pa ang tunay niyang magulang kaya tumakas siya sa bahay ampunan upang hanapin ang mga ito. Kasama niyang tumakas ang matalik na kaibigang si Ertan, ngunit nahuli sila sa lansangan ng isang sindikatong grupo. Kasama ng iba pang kabataan, dinala sila sa isang underground human auction, dito nagkahiwalay si Araceae at Ertan. Napunta si Araceae sa kamay ni Kaya, ang binatang may malaking galit sa kanya. Naging miserable ang buhay ni Araceae sa kamay ni Kaya, sinapit niya ang parusa sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa. Sa kagustuhan na mabuhay tumakas si Araceae sa malupit na lalaki, nagtagumpay siya ngunit ang alaala niya ang naging kapalit nito. Nagising si Araceae sa isang maliit na isla at nakilala ang matandang mag-asawa, dito nabuhay siya bilang si Aris. Paglipas ng dalawang taon, nakilala ni Araceae si Temur, isang mayamang binata na taga Maynila. Inibig nila ang isa't-isa at pagkatapos ng kasal, dinala siya ng asawa sa Maynila upang doon manirahan. Sa pagtira niya sa mansion, nakilala ni Araceae si Kaya Flegenheimer, ang CEO ng FHMer Corporation at nakatatandang kapatid ni Temur. Sa pagbabalik ng lalaking lumapastangan at nagpahirap sa kaniya. Magbalik na kaya ang alaala ni Araceae? Madiskubre kaya niya ang lihim sa likod ng tunay niyang pagkatao? Ano ang gagawin ni Kaya oras na makitang muli ang babaeng minahal at nagtraydor sa kanya?
Romance
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2

Nasa gitna ng pagbabago si John Enriquez mula sa kaniyang pagiging babaero nang biglang dumating sa buhay niya ang babaeng inakala niyang pang habang buhay na. Ngunit nang malaman niya na ang edad pala nito ay kalahati ng edad niya ay agad niya itong nilayuan. Si Leila Mercedez, isang babaeng may malaking pangarap sa mundo ng pag-arte. Gumuho ang matayog niyang pangarap matapos niyang malaman na siya pala ay nagdadalang tao. Nabuntis siya ng lalaking naka-one night stand niya. Ang lalaking inabandona siya matapos na gamitin. Dahil masyado pang bata si Leila at hindi siya pwedeng umuwi sa kanila, hinanap niya ang lalaking naka-disgrasya sa kaniya. Halos magmakaawa siya rito na panagutan ang dinadala niya. Tiniis ni Leila ang lahat ng pagtataboy ni John sa kaniya alang-alang na lang sa batang dinadala niya. Minahal niya ito sa kabila ng pagiging malupit nito sa kaniya. Nagsama sila sa iisang bahay para lang sa bata. Hanggang isang araw ay natutunan ni Leila na mahalin ang sarili niya. Nagsumikap siya na makamit ang pangarap niya at tinanggap na anak lang niya ang kayang mahalin ni John at hinding-hindi mangyayari na makakamit niya ang pagmamahal nito. Paano kung kailan nakahanap si Leila ng bagong pag-ibig ay saka naman niya malalaman na mahal pala siya ni John? Ano ang gagawin ni John para mabawi si Leila? Ang anak ba nila ang magbubuklod sa kanilang dalawa?
Romance
9.9105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Lost in the world named Aragona

Lost in the world named Aragona

Marx Salas
Mula sa isang normal na pamumuhay, isang binata ang biglang mapupunta sa isang mundo kung saan hindi niya alam kung ano ang klase at sistema ng pamumuhay rito. Ngunit hindi siya nag-iisa, makakasama niya sa kaniyang paglalakbay ang kaniyang mga kaibigan. Dito masusubukan ang kanilang samahan. Mag-uumpisa ang nobela sa isang Highschool student na si Mac Salas kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina Jas Alcantara, Set Saja, Dane Santiago, Nads Vivar at Mercury Manuel. Isang Diyosa ang magdadala sa kanila sa mundo ng Aragona upang kanila itong maisalba mula sa muntikang pagkasira. Pero ano nga ba talaga ang tunay na mangyayari at kakahantungan ng kanilang pagpunta sa ibang mundo?
Fantasy
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Stranger

Marry Me, Stranger

Halo- halo ang emosyon ni Charmaine ng sambitin niya ang mga katagang iyon. Dahil sa isang gabing pinagsaluhan nila ng lalaking saglit pa lamang niya nakilala, nagbunga ang gabing ‘yon. Desperado siya na magpakasal sa lalaking ito. Hindi dahil sa pera o kung ano man ang mayroon ang lalaking ito. Kundi para may makilalang ama, ang sanggol sa sinapupunan niya. “Okay, then, let's get married. “— Evans Clarkson Ano kaya ang naghihintay na buhay kay Charmaine, matapos pumayag ang isang Evans Clarkson sa biglaang kasal na hiniling niya? Tamang desisyon kaya ang hiniling niya sa lalaking ito? May mamumuo kayang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
235 viewsOngoing
Read
Add to library
My Sister's Substitute Wife

My Sister's Substitute Wife

Acceptance. Iyan lang ang tanging gusto matanggap ni Leila mula sa totoo niyang pamilya. Pero ano nga ba ang kaya niyang gawin para matanggap siya? What if... she become Substitute Wife?
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
BILLIONAIRE'S TEMPTATION

BILLIONAIRE'S TEMPTATION

Zhyllous
Sino siya? Will, siya lang naman ang lalaking nagpabaliw sa akin ng ganito. Kilala nila ako bilang isang inosenteng babae and that's true. Ayaw kong makarinig ng mga malalaswang bagay galing sa kahit sino.. kahit sa best friend ko na kilalang playgirl. Pero noong nakilala ko siya, doon ko natutunan lahat ang natutunan ng best friend ko. Halos lahat ng bagay binigyan ko ng meaning. Naging dirty minded ako dahil sa kanya. Pero iyun ang gusto ko, iyung ang ginusto ko, doon ko siya nakilala so bakit ako mag pabebe? Mahal ko siya at hindi ako mag rereklamo kong ano man ang nagawa niya sa akin. Masaya ako dahil sa kanya ko natutunan lahat. I don't care what they say. I don't care if magagalit ang best friend ko. Pero hindi siya nagalit sa akin kundi sa lalaking mahal ko. Super protective and that's fine with me. Until everyone's know. I'm a model and he's a billionaire. They say, hindi ako nababagay sa kanya. They say, hihilain ko lang siya pababa. Hindi ako kagaya ng best friend ko na palaban. I'm sensitive so after hearing those words from his supporters, it's hurt a lot and I left him. Yes, I left him for my peace of mind. I don't deserve him. Ang bilis ko lang siyang iwan. Deserve niya ang babaeng hindi siya iiwan para sa sarili niya, gaya ng ginawa ko. But can I stay? Why? Cause I love him.
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Miss Misunderstood

Miss Misunderstood

Wysteriashin
Bata pa lamang si Elyana, pangarap na niya ang magkaroon ng isang malaking pamilya dahil alam niya ang pakiramdam ng walang kapatid. Kaya naman nang makasal siya kay Finn na isang bilyonaryong taga-England, sinubukan nila ang lahat ng paraan para matupad iyon kahit ilang beses na silang nabigo. Sa limang taon nilang pagsasama, unti-unting nagbago si Finn na kapansin-pansin sa mga mata ni Elyana. Hanggang isang araw pinasundan niya ito sa isang tao at napag-alam na may kalaguyo pala ito. Ang masama pa, nahuli niya siya na maykas*ping sa kama sa mismong rest house na regalo pa ni Finn noong wedding anniversary nila. Nang muli silang nagkaharap, naglakas-loob si Elyana na itanong kung ano ang dahilan, bakit siya nagtaksil at ang sagot ni Finn, iyon ay dahil hindi raw kaya ni Elyana na mabigyan siya ng anak. Napakasakit para sa kaniya na marinig ang mga iyon. Nag-file siya ng diborsyo at nang maaprubahan, nagpasyang umuwi ng Pilipinas upang kalimutan ang lahat. Sa tulong ng matalik na kaibigang si Felicity, unti-unti niyang tinanggap na hindi na kailanman matutupad ang panngarap na iyon, ngunit isang araw, babalik si Finn dala ang katotohanan at ayusin ang nasira nilang buhay. Nararapat ba para kay Finn ang kapatawarang kan'yang hangad? Mapapatawad pa kaya ni Elyana ito matapos nitong wasakin ang kan'yang puso, pagkatao na halos ikabaliw niya noon at ang tiwala na walang pagdadalawang-isip na inalay rito?
Romance
9.85.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
Romance
1.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status