Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Vengeful Wife

My Vengeful Wife

Nang dahil sa pagkasawi ng mga magulang na parehong miyembro ng isang secret agency ay tumatak sa isip ni Veron Stacey Santibañez ang isang lihim na paghihiganti sa mga taong pumaslang sa mga mahal niya sa buhay. Upang magawa ang nais na paghihiganti ay pumasok rin siya bilang isang secret agent sa organisasyong pinagsisilbihan ng mga magulang noon. Kailangan niya ang organisasyon at ang mga nalalaman nito para maisagawa ang paghihiganti. Sa mga misyong kinakaharap ni Veron ay makikilala niya si Ynzo Abraham Tolledo. Ang makisig, guwapo, ngunit pinakamalaking malas na nakilala niya sa buong buhay niya. Ito ang lalaki na ubod ng yabang at saksakan ng glue na dikit nang dikit sa kaniya sa lahat ng oras. Hindi niya alam kung trip lang ba siya nitong paglaruan o talagang malakas lang ang sapak nito. Isa lang itong lalaking walang ibang kailangan kundi ang makahanap ng babaeng mapapangasawa dahil kung hindi ay wala raw itong mamanahin mula sa mga magulang ‘pag tuntong nito sa edad na tatlumpu. At sa lahat ng babaeng minamalas ay siya pa ang nakita nitong alukin ng kasal-kasalan para lamang makuha ang ninanais nitong mana. Akala ni Veron ay simpleng bagay lang ang inaalok ni Ynzo. Napag-alaman niyang malaki ang maitutulong ng lalaki upang makuha niya ang hustisyang inaasam-asam niya. Kaya kahit may mahal nang iba ay napilitan pa rin siyang kumapit sa patalim. Pareho naman silang makikinabang ni Ynzo sa kasalang iyon. Ngunit may isa sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan. No feelings attached. Ang lahat ng magaganap mula sa araw ng kasal hanggang sa matapos ang misyon ay walang halong damdamin o pag-ibig. Mapanindigan kaya nila ang pinasok na laro? O pareho silang mapapahamak sa mabilis na bala ng pag-ibig na tatama sa kanila?
Romance
9.910.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

The Broken Wife's Revenge: Her Husband And Sister Will Pay!

Sa loob ng limang taon, buong pusong ipinaglaban ni Caelith Skyhart ang pagmamahal niya kay Lucienn Ashford. Siya ang lalaking itinayo niya mula sa pagkakadapa, minahal sa kabila ng lahat, at pinakasalan sa harap ng buong lungsod. Ngunit isang umagang tahimik, isang mensahe ang gumising sa katotohanang hindi niya kailanman inasahan—buntis ang kapatid niyang si Celene, at ang ama ay si Lucienn. Sa gitna ng pagkawasak, pagtataksil at sakit, kailangan ni Caelith na tumindig. Hindi para ipaglaban ang pagmamahal kundi para bawiin ang sarili at ang lahat ng itinayo nilang dalawa. Ito ay kwento ng isang babaeng minsang naging liwanag sa dilim ngunit ngayo’y naging apoy na handang lamunin ang lahat ng sumira sa kanya. Hanggang saan ka magmamahal kung ang taong pinili mo ay pinili ang iba?
Romance
10518 viewsOngoing
Read
Add to library
THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY

THE TYCOON'S ACCIDENTAL BABY

Walang ibang choice si Fatima kundi tanggapin ang kapalaran na mismong ama niya ang may gawa. Dahil baon na sa utang ang kanilang pamilya ay sapilitan siyang ibinenta sa isang matandang lalaki upang pakasalan ito. Ngunit nang magising siya ay hindi matandang lalaki ang kaniyang nakita sa kaniyang tabi, bagkus isang guwapo at matipunong lalaki! Giovanni Samaniego is a tycoon billionaire. Nang malaman niyang magpapakasal muli ang kaniyang ama ay umuwi siya upang pigilan iyon. Ngunit hindi niya inaasahan na isang babae ang handog nito upang amuhin siya at kunin ang loob niya. Dala ng kalasingan ay tinanggap niya ang babae, ngunit ang hindi niya alam ay maling babae ang nasa kuwarto niya! Ang babaeng nakasama niya nang gabi iyon ay ang babaeng pakakasalan pala ng Daddy niya! ACCIDENTAL BABY, DESTINED LOVE!
Romance
9.957.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Isang Halik? Hiwalay na!

Isang Halik? Hiwalay na!

Ang first love ng asawa ko ay nag-post ng isang video sa kanyang social media. Sa video, nagpapasa silang dalawa ng playing card gamit ang kanilang mga labi. Nang mahulog ang card ay nagtagpo ang kanilang mga labi sa isang halik. Hindi sila huminto—parang nawala sa sandaling iyon, mapusok silang naghalikan sa loob ng isang minuto. Ang caption niya: [Still the same clumsy piggy! PS: Ang mga skills ni Steve ay kasing galing tulad ng dati!] Tahimik kong ni-like ang post at nag-iwan ng komento: [Congrats.] Sa sumunod na segundo, tumawag ang asawa ko, galit na galit na sumigaw, "Walang ibang babaeng kasing drama mo! Nakipaglaro lang ako kay Lanie. Bakit naman ummakto ka na parang baliw?" Noon ko napagtanto na ang pitong taon ng pag-ibig ay walang kahulugan. Oras na para umalis ako.
Short Story · Romance
922 viewsCompleted
Read
Add to library
The Mafia Boss' Rented Wife

The Mafia Boss' Rented Wife

Ginagawa ni Kateryna ang lahat para mabayaran ang mga utang na naiwan ng kanilang mga magulang. Dahil nang sabay na mamatay ang mga ito, si Kateryna na at ang kan'yang nakababatang kapatid ang hinabol ng mga taong pinagkakautangan ng kanilang pamilya. Akala ni Kateryna hindi na sila makakausad mula sa gulong kinahaharap nila, ngunit nagbago ang lahat ng 'yon nang mag-apply si Kateryna sa Gunner Corporation at makilala niya si Everett Gunner, na saktong naghahanap din ng babaeng pakakasalan upang makuha ang iniwang mana ng kan'yang ama sa kan'ya. Matutulungan nga ba talaga ni Everett na mabago ang buhay ni Kateryna? O isa lamang siyang daan para mas magulo pa ang mundo ng dalaga? And will they be able to find love in the midst of chaos? Or their encounter with each other just means an all out battle, and bloodbath? Let's find out.
Romance
1019.4K viewsOngoing
Show Reviews (17)
Read
Add to library
Quaker
promote this story! deserve mabasa ng marami ang kwentong to. maganda at hindi ka maboboring! intense din ng mga tagpo kaya deserve maregconize! deserves more recognition! hindi dapat ginigate keep hahaha try this story! sobrang worth it!!!
Mnemosyne
Walang tapon kahit isang chapter. Hoping for more updates deserve mo marecognize dahil sa craft mo. Hindi na ako makapaghintay sa susunod na chapters. Ngayon lang ako nahook ng ganito sa isang action romance story <<<<3
Read All Reviews
Claimed By The Haciendero

Claimed By The Haciendero

"I always get what I want." Iyan ang motto sa buhay ng spoiled brat na si Daciana Vittoria. Ngunit ng makilala niya ang binatang si Kane Sylvester ay nasubok ang kanyang pagiging spoiled. Mas nagkaroon ng thrill ang inaayawan niyang pag uwi sa Hacienda ng Lolo niya dahil kay Kane. Sa paglipas ng maraming taon ay nagmatured at natuto sa buhay si Daciana at sa pagbabalik niya sa Hacienda ng Lolo niya ay muli niyang nakita si Kane. Paano kung sa pagbabalik niya ay muling bumalik ang nararamdaman niya para sa binata? Ang nasa isip lamang ni Kane ay ang magantihan si Daciana dahil sa ginawa nito noon. Ano ang mangyayari sa paghihiganting kanyang gagawin? Kakayanin ba niyang saktan ang damdamin ng babaeng kahit kailan ay hindi naalis sa puso niya?
Romance
108.8K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

LOVE BENEATH THE LIES (SPG)

Calut qho
Blurb: Matagal na magkasintahan sina Emy at Ricardo, ngunit sa araw ng kanilang anibersaryo, bigla siyang hiniwalayan ni Ricardo nang walang paliwanag. Kalaunan, nalaman ni Emy na si Ricardo ay isang tagapagmana ng isang makapangyarihang angkan at napilitang magpakasal sa isang babaeng ipinagkasundo ng kanyang mga magulang. Sa kabila ng sakit at hirap, pinalaki ni Emy ang kanilang anak nang mag-isa at itinago ito sa loob ng maraming taon. Paglipas ng panahon, muling nagkrus ang kanilang mga landas sa di inaasahang pagkakataon. Sa muli nilang pagkikita, nalaman ni Ricardo ang tungkol sa kanilang anak at nagsimulang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit bago sila muling maging buo, haharap sila sa mga pagsubok na muling susukat sa kanilang pagmamahalan. Mapagtatagumpayan kaya nila ang pagsubok na iyon? Mabubuo pa kayang muli ang kanilang pamilya? O muling mawawasak at paghihiwalay ng isang sirkumstansya.
Romance
103.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Mr  Delgado's Secret Heir

Mr Delgado's Secret Heir

Imflor
A Wealthy Man, the 30 year's old Billionaire. First Child of the Family . Hindi sya naniniwala sa Tunay na pag ibig. Para sa kanya Pera at S*x lang ang habol ng kababaehan. He got Cheated on his First Girlfriend at Dahil do'n nawalan sya ng interest sa pakikipag relasyon. Para sa kanya ang Pag ibig ay kasinungalingan lamang. Ngunit sa hindi inaasahan na love at first sight sya sa isang Babaeng protective sa Sarili, isang Employee ng kanyang Sariling Company. Bilang isang lalaki, sanay na syang nilalapitan ng mga kababaehan dahil sa taglay nitong Ka gwapohan idagdag pa ang pagiging mayaman nito. Hindi nya inaasahan na isang Babae ang nagpabago sa kanyang Pananaw upang umibig muli.
Romance
2.0K viewsOngoing
Read
Add to library
TAMED (tagalog)

TAMED (tagalog)

PARA kay Rafael ay perpekto na ang buhay niya. Party all night, sleep all day, and life would be easy, tulad ng sa kanta. Falling in love is not on his lists. Serious relationships are not included on his vocabulary. Nasa kanya na ang lahat, from his head-turning look to his big-fat bank account and wealth ay wala na siyang hihilingin pa. SIMULA pagkabata ay nabuhay si Tamara na naaayon sa kagustuhan ng kanyang ina. Lahat ng sinasabi nito ay kailangan niyang sundin, mula sa pag-aaral hanggang sa pipiliing mga kaibigan. Magbabago kaya ang mga pananaw nila sa buhay kung mag-krus ang kanilang mga landas? Lalaking walang pakialam sa mangyayari at babaeng may kailangang mapatunayan. Magagawa ba silang baguhin ng pag-ibig?
Romance
1058.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Shade of Lust

Shade of Lust

Demi Moore—the “manang” secretary of TC, fantasizing her boss named Quiver Tejada, the man who’s sexually attracted to his twin’s fiancée. Matagal pinangarap ni Demi na mapansin siya ng boss niya ngunit hindi ito natutupad. But her innocence and kindness moved the playful yet ruthless twin brother of Quiver who named Tei; Demi’s other boss. One night, she surrendered her virginity to her boss. She got pregnant by one of the Tejada brothers ngunit hindi niya alam kung sino sa dalawa ang ama ng batang dinadala niya. Si Quiver ba na minamahal ang fiancée ng kakambal niya o si Teiver ba na nakatakda ng ikasal sa babaeng pinakamamahal ni Quiver?
Romance
1044.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3233343536
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status