Paid Pleasure
Hindi na siya umaasa na muli silang magkikita, inuumpisahan niya na limutin ang lahat nang nangyari at nararamdaman.
“Lani, nakakahiya! Hindi nga ako tumatanggap ng manliligaw sa ngayon dahil sigurado na iisa lang ang paka—I am not bitter!” Nakasimangot na usal ni Bambi sa kabilang linya. “Basta, for now, hindi na muna ako tatanggap ng maliligaw. Ibalik mo na ang mga iyan, ikaw na ang bahala magrason. Bye.” Pinatay niya ang linya ng tawag at itinirik ang mata.