Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
10598 viewsOngoingAdded to Library 16 Times as batang bata
Read
+Library
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
1030.1K viewsCompletedAdded to Library 812 Times as batang bata
Read
+Library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
1019.5K viewsCompletedAdded to Library 467 Times as batang bata
Read
+Library
Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Thorns of the Past (Playful Fate Series #1)

Marriage is sacred and must be because of love…but in our family it is all about business and connections. I don’t want to get married and the last time that I let cupid in my heart I was left alone, like a girl who lost her favorite doll. Miss Michin. Ang bansag sa pinakamasungit sa mga apo ni Don Leano—si Frederica Liora Leano, panganay sa pamilya at sa mga magpipinsan, strikta, mahigpit, at prangka kung magsalita. Parang walang pagmamahal sa katawan. Matandang dalaga kung umasta at manamit. Hindi gusto na magpakasal, dahil hanggang ngayon ay may mga nakabaon pa ring tinik sa kan’yang puso mula sa nakaraan. Ngunit…sa isang iglap lahat ng iyon ay nawala. Aksidente. Dahil sa isang aksidenteng halik ay magpapakasal siya at kanino? Sa estrangherong hardinero nila na si Noel. Si Noel, palasagot, matapang, at hindi siya inuurungan. Napunta si Frederica sa sitwasyong iniiwasan niya. Gusto niyang tumakbo at umalis sa buhay na iginuhit na ng kan’yang Lolo. Pero paano kung sa gitna ng pagtakbo niya ay madapa siya sa maiinit na bisig ng kanilang hardinero? Anong mangyayari kung unti-unti na niyang pinapapasok si kupido sa sarado niyang puso? Panibagong sakit? Panibagong tinik? O mas babaon ang tinik ng kan’yang nakaraan? Paano kung sa mga maiinit na bisig ay may madiskubre siyang malamig na katotohanan? Makakatakbo pa kaya ang kan’yang mga paa? O tulad noon ay magiging batang nawalan ng manika?
10310 viewsOngoingAdded to Library 12 Times as batang bata
Read
+Library
Divorcing Ahmed: The Tycoon Wants Me Back!

Divorcing Ahmed: The Tycoon Wants Me Back!

(Ahmed Haddad's Story) Four years ago, Clarissa, desperate for money and desperate to win her mother’s approval, gave up the chance to attend Juilliard school and agreed to be a substitute bride for her stepsister. Three and a half years ago, she actually fell in love with the man she married. She even risked her life to save her husband, Ahmed, when a building collapsed. That accident left her infertile—a secret she carried alone, afraid that if Ahmed found out, Clarissa would lose him completely. Naive as she was, she thought Ahmed just needed more time. But on their fourth anniversary, Clarissa found him kissing his true love, Brianna, the woman who was meant to be his original bride. ***** “Did you cheat, Ahmed?!” dagundong ang boses ng lolo ni Ahmed. “No!” “Did you ignore your wife? Or any mistake that made her want to divorce you?” Bago pa makasagot si Ahmed ay biglang sumulpot si Brianna. Sa likod nito ay ang mga security guards na pilit pinipigilan ang babae. Inilapag nito ang pamilyar na envelope sa mesa. Pinanlalamigan si Clarissa. “Ahmed has nothing at fault! Clarissa, the infertile, should be blamed!” ****** “Mama, inaway ako ni Reirey," iyak ng batang babae na may magagandang uri ng mga mata. After their divorce, a miracle daughter came. Wala na si Ahmed sa buhay nila. Matapos nitong ipakulong siya at nalaglag ang pinagbubuntis ay hindi na bibigyan ni Clarissa si Ahmed ng pagkakataon na malaman nitong ibinalik sa kanya ng Panginoon ang nawalang bata. Hinding-hindi nito makikilala ang anak nila. Ahmed and Clarissa (COMPLETED) Rios and Kaye (COMPLETED) Altero and Mihrimah (COMPLETED)
1094.9K viewsCompletedAdded to Library 3.0K Times as batang bata
Read
+Library
The Billionaire Slut

The Billionaire Slut

Magkaibigang naging biktima ng pang aabuso sina Cherry Lou at Annika. Inilihim nila sa pamilya nila ang masaklap na pangyayare sa buhay nilang magkaibigan, dahil hindi naman nila nakilala ang mga umabuso sa kanila at tanging tattoo na palatandaan lang ang nakita ni Cherry Lou sa isa sa mga lumapastangan sa kanila. Pinilit ni Cherry na kalimutan ang masamang nangyari sa kanya. Lumuwas siya ng Maynila upang magsimula ng panibagong buhay. Ngunit sinubok pa rin ang katatagan nilang magkaibigan ng malaman nilang nagbunga ang pangwawalanghiya kay Annika. Itinago nila ang pagdadalang tao ni Annika sa pamilya nito at nang makapanganak si Annika ay inabandona ang sanggol. Si Cherry ang nagpakaina sa anak ni Annika. Nagkasakit ng Leukemia ang bata at natanggal sa trabaho si Cherry. Pikit matang namasukan sa club bilang topless dancer si Cherry upang makaipon ng malaking pera para sa operasyon ng anak- anakan. Inalok ng 3 milyong piso ni Anthony Buenavidez si Cherry upang maging bed warmer nito ang dalaga sa loob ng isang taon. Tanggapin kaya ni Cherry ang alok sa kanya ng isang gwapong binatang bilyonayo? Mabibigyan kaya ng hustisya ang pang-aabusong ginawa kina Cherry at Annika?
1015.4K viewsCompletedAdded to Library 552 Times as batang bata
Read
+Library
I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

THEGUYWITHTHEGLASSESIndependentDramaMysteryTragedy
Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022
9.940.9K viewsCompletedAdded to Library 1.3K Times as batang bata
Read
+Library
My Daddy Boss

My Daddy Boss

Pinagpalit si Lenie ng kanyang ex-boyfriend na si Dexter kaya naman humingi siya ng tulong sa kaibigang si Alice para lumipat ng trabaho at makapagsimula ulit ng bagong buhay. Pero, pati si Alice ay niloko rin siya dahil iniwan nito ang baby niya kay Lenie at umalis nang walang paalam. Para mabuhay niya si Javi ay nag-apply siya sa kumpanyang pinapasukan ni Alice noon. Nang matanggap naman ay di niya inakalang mamahalin siya ng kanyang boss na si Alexis Ramirez. Hindi nagtagal ay napamahal na rin siya rito. Kaya lang, may isang sikreto siyang hindi sinasabi kay Alexis. Bawal kasi ang empleyadong may anak sa kumpanya ni Alexis. Hindi alam ni Lenie kung paano ipapaliwanag sa kanyang boss ang kanyang sitwsyon. Habang iniisip kung paano ang kanyang magiging solusyon sa problema ay bigla namang bumalik ang kanyang dating kaibigan na si Alice para bawiin ang anak. Dahil ilang taon na rin niyang nakasama si Javi ay sobrang nahirapan siyang isauli ang bata sa tunay nitong ina. Para hindi malayo kay Javi ay humingi na ng tulong si Lenie kay Alexis. Ang hindi alam noong dalawa na sa simpleng pagtulong ni Alexis ay sobra palang dami ang mababago sa relasyon at buhay nila.
1012.6K viewsCompletedAdded to Library 428 Times as batang bata
Read
+Library
WILD NIGHT WITH HER BOSS

WILD NIGHT WITH HER BOSS

‎⚠️ WARNING ⚠️ ‎🔞 ||R-18, SPG|| 🔞 ‎‎Dahil sa kataksilan ng boyfriend ni Canna Villegaz. Mag-isang nagtungo sa bar ang dalaga. She drinks a couple of drinks which led to her being tipsy. Ang kanyang papunta sa bar ay nauwi sa mainit na kagabi kasama ang lalaking hindi niya makilala dahil sa kanyang kalasingan. ‎ ‎Kinaumagahan, nagising na lamang siyang katabi ang Boss, si Azrael Cervantes. Tinakbuhan niya ito bago pa man magising at makita siya. Ngunit kaagad din itong agad nakagawa ng paraan para hindi siya tuluyang makatakas. Pinipilit ng kanyang Boss na panindigan ang nangyari sa kanila. ‎ ‎Nagtagumpay naman si Azrael sa kanyang plano. Ngunit nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya, lahat ay biglang nagbago. ‎Kinasusuklaman na siya ni Azrael at pinagbibintangan sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Pinili niyang layuan ang lalaking natutunan niyang mahalin sa maikling panahon upang hindi madamay ang bata sa kanyang sinapupunan. But fate is cruel and stubborn. When their paths cross again, Azrael meets the son he never knew existed. Secrets unfold. Old wounds reopen. ‎Makayanan niya kayang harapan ang galit ni Azrael? Paano kung ang tingin ni Azrael sa kanya ay isa na lamang babaeng nagpapainit ng gabi nito? Hanggang saan niya kayang magsakripisyo? ‎
1067.3K viewsCompletedAdded to Library 2.6K Times as batang bata
Show Reviews (5)
Read
+Library
FrezscheuzstStrre_18
Hello, Starries! Finally, natapos na rin ang story ni Azrael at Canna. Sana nagustuhan ninyo kahit maraming kulang at medyo magulong. Pero sinubukan ko naman ang makakaya ko. Pero hanggang doon lang talaga. Pero sa susunod na kwento ni Jaric at Zea. Aayusin ko na po. Ang kasunod na kabanata ay
Analyn Bermudez
thank you ms A sa update..pero ms A napaisip ako ,ano ba tlga ang totoong nangyayari sa nanay ni Azrael? akala ko pa NMN tapos na ung problema ,, akala ko pa NMN ending na yun PLA meron pa natitira twist May kalaban pa pala sila ..sino kaya ????.....
Read All Reviews
Fixing the broken Vows

Fixing the broken Vows

Ar_Zee
A dream come true that happened to be a painful nightmare. Caprice Cleopatra did get her happily ever after or just she thinks so. She always want to become someone's wife because she believes that every woman deserve a prince charming and a knight in shining armor. But she didn't know she will live her life in the most traumatizing way. Bata pa lang ay pangarap na ni Clea ang pakapag-asawa at bumuo ng sarili niyang pamilya, alaagan ang mga ito at maging mabuting asawa at ina. And she got married the to Miguel Benedique Velarde- Antique. The son of Doña Editta and Governor Monti Antique who happened to be the old riches of Negros Oriental. Ngunit ng lumaon ay tila biglang nagbago ang kaniyang asawa. Sinasaktan na siya nito physically , emotionally and mentally battered. Hindi niya alam kung paano nangyari ang ganito kung gayong sa mismong harapan ng kaniyang mga magulang at sa diyos nangako at nanumpa si Miguel na aalagaan siya nito at hindi kailanman sasaktan. Would she escape the monster her husband became? Or would she get the courage to raise her weapon and fight for her rights? Or simply turn down her sword and accept all the bruises she got? Makakaya kaya ni Clea kung gayong mahal na mahal niya ang asawa? Would love be enough to suffice all the betrayals everyone feed her on?
102.8K viewsOngoingAdded to Library 96 Times as batang bata
Read
+Library
PREV
1
...
3435363738
...
48
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status