Falling For The Billionaire CEO
Mabilis akong lumayo kay Lucius, halos matisod sa dulo ng aking gown habang nakatingin kay Bianca na kampanteng nakasandal sa pader ng balkonahe.
Ang kislap ng cellphone niya sa ilalim ng liwanag ng buwan ay parang isang matalim na kutsilyo.
"What a masterpiece," nakangising sabi ni Bianca, habang pinapanood ang video sa kaniyang screen. "The devoted fiancee of Gabriel Montenegro, locking lips with the CEO of Alvero Group. Sino ang mag-aakala na sa likod ng inosenteng mukha mo, Aya, ay isang babaeng kayang paglaruan ang dalawang pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa?"
Hot Chapters