REBORN AS A HEIRESS
"Ma, it's not the right place and situation to raise that kind of topic."
"At hindi po mahalaga sa akin kung baog man siya," wika ni Faith.
"Anak, what do you mean?" singit ni Abraham. "Bloodline is very important to every family."
"Not with him," mahina niyang sambit na alam niyang nabasa ni Ponce ang pagkibot ng labi niya dahil sa reaksiyon nito na tila hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi. "Dad, I'm still young. Marami pa akong mga pangarap sa buhay."