THE BLIND HITMAN: RAMIRO CASTILLEJO
kino-confiscate ang cellphone nila dito ngunit burner phone ko ang nakuha nila sa akin at itinago ko naman ang cellphone ko talaga nang sa gayon ay magkaroon pa rin ako ng contact sa kapatid kong si Dove, kay Aarav at kay Nico, ngunit ang walang hiyang Nico na iyon, ang tagal tagal bumalik, lagot siya sa akin pagbalik niya.
“Siya nga pala ito si Diamond,”
“Hi!”
“Ito naman si Ziggy, ang pinaka playboy sa aming lahat!” saad ni Cheat sabay hagalpak ng tawa.
“Hoy! hindi! wag ka maniwala, pre!” saad naman nito bilang pagtatanggol sa sarili.
“Siya si Ramiro, siya ang bagong bodyguard ni Ma’am Eleizha,”
“Nice to meet you,” kaswal na saad ko sa kanila at nakipag kamay